My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Thursday, 7 July 2011

TRABAHONG LAAN

Nep Paraiso 23/6/2011 3:50pm

Eto na naman, eto na naman, lahat ay nag-uuwian
Proyektong natapos, halos isang buwan sa laot
Hindi ko alintana, at walang pangamba
Hindi ako pababayaan, Ang Dios sa aki’y may laan

Matapos silang mag-uwian, muli kaming maglalakbay
Sa pinakamamahal kong lugar, sa Puerto ng Leith ng Scotland
Dito ko naihayag, maraming tulang nabigkas
Sa pag-iisa sa kabina, mga araw ay di alintana

Mababait kong mga amo, sila’y pagpapalang totoo
Kahit walang proyekto, i-re retain nila ako
Bibigyan ng trabaho, ng kahit ano-ano
Kahit magbantay ng tao, mag monitor ng trabaho

Gayon na lang ang pasasalamat, sa biyayang natanggap
Pagpapalang nakamtan, Dios pangako mong laan
Hinding hindi makakalimutan, kahit magpakailanman
Nakatatak sa isipan, kaya’t lagi kitang papupurihan

PATAWAD

by Nepthali Paraiso 19/6/2011
Isang bagay ang aking nakita, na hindi maganda
Magbiro sa twina, ngunit nakakasakit na pala
Hindi ko kasi alintana, at akala ko ay Masaya
Hindi pala lahat ng tao, kumakagatsa biro mo

Kaya’t ang aking bibitawan, patawad sa tanan
Hiling kong kapatawaran, iyong pakinggan
Hindi na uulitin sa mga taong nasasaktan
Hangad ko ay kapayapaan tayo ay magkaunawaan

Kayo’y aking mga kaibigan, dito sa ibang bayan
Wag po tayong mag-aaway kundi laging magtulungan
At kung may nasabi mang di magandang nabitawan
Inyo nga po akong sabihan at ng aking malaman

Hindi mawawala, minsan tayong makapagsalita
Mga nabitawang nasabi, akala nati’y tama
At sa pagtalikod natin di mo alintana
Galit ng damdamin, sa kapwa mo’y nag-iigting

Mabuting pakikisama, hangad ko sa twina
Walang inggitan, magandang pagtitinginan
Malayo man tayo sa bansang pinanggalingan
Iisa pa ring pamilya, nagtutulungan, nagkakaisa

ALON

by Nepthali Paraiso 13/6/11 10:00pm


Tunay ngang mahirap, magtrabaho sa dagat
Kalaban ay alon, sa ibat-ibang panahon
Itong aking kasama, hirap na hirap na
At nagkakandasuka, dahil hindi na makaya

At sa aking pagmasid, akin ngang nabatid
Tulad din ng buhay, dagat man may ibat-ibang kulay
Magandang pagmasdan kung payapa ang karagatan
Ngunit sabi ng iba, “boring” naman sa kanila

Kay lungkot daw tingnan, mapayapang karagatan
Ngunit sa aking pakiramdam, dala nito ay kapayapaan
At tuwing nangangalit ang karagatan, alon ay naglalakihan
Hampas dito hampas doon, ang tao man ay ganoon

At sa gabing mapanglaw, alon ay naglalakihan
Hindi magandang panahon, aming nararanasan
Hindi ako makatulog, ang barko ay umiindayog
Ayon sa “weather forecast” bukas pa matatapos

Dito sa aking kinatatayuan, dama ko ang kalamigan
Maitim na ulap sa kalangitan, nangangalit na alon sa karagatan
Akin ring natatanaw mula sa kalayuan
Isang barko ring tulad naming, pareho rin ang nararanasan

Bakit hindi ko nadala itong aking camera
Makunan ng larawan, itong alon sa karagatan
Namumuti ang kapaligiran, sa hampas nyang walang liban
Ito nga ang kalaban, ng mga nagtatrabahong seaman

Ito nga ba ang kapalit? Ng malaking kita at saglit?
Kontratang kay bilis, tunay na hindi nakakainip
Depende nga rin sa trabaho, o sa kursong natapos mo
O masasabi ring kapalaran? O akda sa ‘yong buhay

Tuesday, 5 July 2011

Pasasalamat

June 5, 2011 Nepthali Paraiso

Salamat, salamat, sa biyayang natanggap
Kahit nakakainip, trabaho’y saglit saglit
Di ko malaman, kung ano pa ang sisimulan
Trabaho’y kay gaan, sapat sapat ang bayaran

Damdamin ko’y nag-uumapaw, sa biyaya mong laan
Hindi ko malaman, kung paano kita pasasalamatan
Kaya naman sa mga lingkod mo’y, puso’y kay gaan
Basta sa kanilang pangangailangan, handa kong tulungan

Minsan mo nga akong dinala, sa paglilingkod na walang kita
Sa pinansyal ay wala na, butas butas pa ang bulsa
Kaya naman sa isipan, ang trabaho’y gawing paraan
Magsuporta sa gawain, mga lingkod mo ay pagpalain

Patuloy mo ngang pagpalain, lingkod mong giliw
Marami pang ministeryo, sa isip ko ay narito
Matupad ang nais ko, sa habag at awa mo
Magsilbing patotoo, sa mga nakapaligid na tao

Sa Banal na Aklat, na iyong sinulat
Natagpuan sa Genesis, pangako mong kay nais
Pagpapala sa lugar, na iyon ngang pinagdalhan
Kaya’t kita’y papapurihan, magpakailan-kailan man


ANG IYONG PALATANDAAN

June 5, 2011 Nepthali Paraiso

Salamat, salamat, sa biyayang natanggap
Kahit nakakainip, trabaho’y saglit saglit
Di ko malaman, kung ano pa ang sisimulan
Trabaho’y kay gaan, sapat sapat ang bayaran

Damdamin ko’y nag-uumapaw, sa biyaya mong laan
Hindi ko malaman, kung paano kita pasasalamatan
Kaya naman sa mga lingkod mo’y, puso’y kay gaan
Basta sa kanilang pangangailangan, handa kong tulungan

Minsan mo nga akong dinala, sa paglilingkod na walang kita
Sa pinansyal ay wala na, butas butas pa ang bulsa
Kaya naman sa isipan, ang trabaho’y gawing paraan
Magsuporta sa gawain, mga lingkod mo ay pagpalain

Patuloy mo ngang pagpalain, lingkod mong giliw
Marami pang ministeryo, sa isip ko ay narito
Matupad ang nais ko, sa habag at awa mo
Magsilbing patotoo, sa mga nakapaligid na tao

Sa Banal na Aklat, na iyong sinulat
Natagpuan sa Genesis, pangako mong kay nais
Pagpapala sa lugar, na iyon ngang pinagdalhan
Kaya’t kita’y papapurihan, magpakailan-kailan man


DAKILA KA DIOS AMA

created on 29 May 2011 Nepthali Paraiso

Dios na dakila, Amang mapagpala
Pagpupuri sa ‘Yo sa lahat ng ginawa mo
Sa lahat ng bagay, na ginawa mo sa aking buhay
Tunay na aking isasaysay habang ako’y nabubuhay

Kung ako ay nagkamali man, pag-ibig moy maasahan
‘Di mo ako tinatalikuran, at patuloy mong sinusubaybayan
Sa lahat ng aking lakad, presensya mo’y walang katulad
At sa mga kapahamakan ako’y Iyong pinoprotektahan

Marami man akong kaibigan, sa ‘Yo’y walang makakapantay
Sa mga problemang aking napagdaanan, unawa Mo’y laging laan
‘Di mo ako sinusumbatan tulad ng mga kaibigan
Pagpapatawad mo ay nariyan, sa aking mga kapalaluan

Hindi mo ako hinahayaan madaig ng kalaban
Kaya’t sa puso ko’y nakatatak, Dakila mong pangalan
Sa pamamagitan ng tula, patotoo at pagpapala
Isasaysay at ilalahad, sa mga mambabasa’y ihahayag

Bakit nga ba sab pag-iisa, don ko lamang naipadarama
Dahil ba malayo? Sa mga kaibigan at pamilya?
Ito nga ba ang dahil sa mga karamihan
Na sa pag-iisa lamang, magagagawa ang maraming bagay

Patuloy na karunungan, pagpapala at kalakasan
Itong aking kahilingan, nawa’y patuloy mong ibigay
Upang  mabatid nila, Dios na aking sinasamba
Mapagpala, mapagbiyaya, makapangyarihan at Dakila



Friday, 8 April 2011

A bitter-sweet reunion with Mang Ed Fabian

Sa buhay ng tao darating at darating ang araw na muli tayong haharap sa ating Manlilikha, kung ito may bunga ng sakit, ng aksidente, ng biglaang pagkamatay or any circumstances na syang daan upang tayo'y humarap sa Dios... nakakalungkot man isipin but at some point, si Steph ay, tulad ng dati ay iniisip ang mga kasamahan, mga kaibigan, mga taong naging bahagi ng ating buhay don sa Qatar specifically sa project natin sa QGX2 and thru CTJV ay nagkakilala tayo, nagkasama, may halakhakan, may lungkot, may alitan but sa pagdaan ng panahon natuto tayong makisama ng tama, nakilala natin ang bawat isa bilang mga kaibigan... 

Naging kabahagi, kasama, ka trabaho natin si kuya Ed Fabian during those times sa Qatargas, thru the silentheroes2006@yahoogroups.com ay nagkaroon tayo ng pagbabalitaan after ng ating mga terms don sa Middle East. Ang iba sa atin ay isang taon, dalawa, tatlo o higit pa depende sa pangangailangan ng kompanya.   Minsan na rin nating nabasa nga ang tungkol kay Mang Ed nong sya ay nagsimulang makaranas ng ganong sakit at natulungan sa pamamagitan ng pitak na ito ang muling pagdadamayan... at tulad din ng nasirang Dr. Balhon ay nalaman natin ang mga pangyayari... Hindi pa rin matatawaran ang pagkakaibigan, ang pagkakakilala at tulad ng mga darating na panahon ay isa isa tayong kukunin ng Maykapal at sana ay hindi lang malaman ang lungkot ng buhay ngunit yong kasayahan na mulilng mabuhay sa pagbabalitaan at maganda nga kung ang mga planong naibahagi sa inyo ay masaya nating pagtulungan at pagsamahan...  bukas, makalawa at susunod pang mga araw ay siguro nga madadalaw ko na rin sina Steph at Norman don sa kanilang lugar sa Pasig... may mga planong muling  magkikita at makilala ang bawat miyembro ng kani-kanilang pamilya at magkakilanlan din tulad ng nangyari sa atin sa Gitnang Silangan...

Masarap alalahanin ang mga masasayang bagay ngunit minsan kailangan mangyari ang ganitong bagay upang may ipaalala sa atin ang Diyos...  na hindi lang kayo magsama-sama sa mapait na karanasan at magkita kita sa isang burol… but hanggat tayo'y buhay pa at may lakas ay makita ung patuloy na pagkakaibigan even without work and money... hindi lang naman pera o work ang makapagpapasaya sa isang taong may sensiridad at palakaibigan but yung legacy na iniwan mo sa iyong naging kaibigan... nakilala ka, bilang isang ikaw... bilang kaibigan... bilang karamay... bilang isang OFW na naging kabahagi don sa Kabilang Dagat para magtrabaho...

Mabuhay kayo!