My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Wednesday 30 March 2011

KAPALARAN NGA BA ANG SINAPIT?

Based on the flight of 3 Filipinos that sentenced to Death in China by Paul Paradise


Malimit nating marinig ang mga ganito, “ang kapalarang sinapit…” “ang kanyang naging kapalaran…” “yan ang itinakdang kapalaran…”  Ano nga ba ang ibig sabihin nito… ito nga ba talaga ang itinakda? O tayo ang gumagawa ng ating kapalaran?....

Bago ang lahat narito ang ilang pahayag ng mga taong aking nakapanayam at itago po natin sila sa ibang pangalan.  Ang aking naging katanungan sa kanila ay, “Ano po ang inyong masasabi sa tatlong (3) pinoy na hinatulan ng kamatayan sa China?”

“i think we should always be responsible with all the things we are doing, in their case, they were convicted based on evidence, so meaning, they are guilty! what we can do is just to pray that they will repent before the execution . kc if the govt. will work hard to save the 3 of them, what about the others who were wrongfully accused but still languishing in jail, unfair di ba?
 Kasi  if the govt. will work hard to save the 3 of them, what about the others who were wrongfully accused but still languishing in jail, unfair di ba? Basta, we should not do anything that will wreck our reputation and always be on the right side of the law to avoid these bad consequences!”  - Teacher Tess of PSD Qatar
“...dpt lng yun. para di na dumami pa ang gagawa ng gnung klaseng trabaho.  Matagal na nilang Gawain un e. Alam ni credo un kasi un ang work nya.  Magpuslit ng droga sa ibang bansa… nataon lang sa china sya nahuli… and besides paano pagbibigyan ung tatlo e 300+ pinoy pa nakapila sa kanila na bibitayin… “ Atty. Ganda

“ It’s their destine… panggising sa mga pinoy na may muwang at walang muwang. Yan ang batas sa China wala tayong magagawa… Lets just pray for the soul of the 3 pinoys. ..” Jadey Arellano – Doha, Qatar

“tungkol naman sa drugs e, sa akin buti na yon para mabawasan ang mga addict.” – Marilou, Recruiter

“Wala tayong magagawa… kung may kasalanan man sila o wla, kasi sa ibang bansa nangyari e. Condolence na lang sa mga naulila…”  Alex of Bacoor Cavite

“Lesson learned. Batas sa China un e. Wala tayong magagawa. Hindi kasi sanay ang mga pinoy sa strict implementation ng batas. Sa atin kasi maluwag lahat. Kaya kung ganyang pagkakataon yari talaga ang pinoy.Tik of Singapore

China has their own set of laws as the Philippines, if the crime is proven beyond reasonable doubts, they will execute them our govt has done whatever they can as VP Binay does, so be it.  So we learned the Lesson! Sa ating mga kababayan, don’t trust anybody, even your own brother and sister will betray you, trust only the one Up Above (Amen)”… Arnel of Ilocos Norte

I would say, as a human I pity them... China, like the other country has a law and they are imposing it accordingly... the Phils. Knows it yet our Govt tried to favor from them, but they failed.. not because China is a barbarian or has a hard heart, it simply because they need to impose the law to show that they are really mean it.. based on their testimony, they fail to do what is right, like double checking the bags before they go and use it or refusing the offer, its hard to say their condition but the fact that they carry drugs and they know it and they know that it is illegal.. and has a death penalty” - Arthur of Qatar

“wala na silang pagkakataon para magsisi at ituwid ang pagkakamali”Vanessa of Pasig

Base sa ating nakalap na mga pahayag, nagpapatunay lang na tayo ang nakaka alam ng ating mga ginagawa at tayo ang gumagawa ng ating kapalaran o masasabing destiny...  sa ating pagkabata naririnig na natin ang mga salitang, “... maging mabuting mamamayan”  sa pag-aaral natin tinuturuan na tayo ng kabutihang asal, at sa ating pagsimba (siguro naman pumapasok ka sa simbahan) naririnig natin ang mga sermong minsan tumutusok sa kaibuturan ng ating puso at nasasaktan tayo dahil tama ang sinasabi ng Pare o Pastor... mahirap nga bang magpakabuti?  Minsan masakit ding pakinggan ang putak ng putak mong magulang na ang hangad ay mapasa-ayos ang iyong buhay na hirap na hirap na sila sa kanilang pagta trabaho para lang tayo makapag-aral at pagdating ng panahon ay maging isang masunurin, mabuti at kagalang-galang na mamamayan ng ating bansa... ang tanong sino ba ang nagkulang? Tapos sa huli sisihin mo ang gobyerno sa kapalarang sinapit mo?  

We are responsible on all our actions... minsan at malimit nga na lagi na lang nating naiisip na, “Nasa huli ang pagsisisi..”  hindi ba pwede sa una o hanggang sa gitna!  Hangga’t maaga pa at pwede pang makawala sa desisyon at aksyon na ating ginagawa?  Pwede bang ikilkil mo sa utak mo na hindi laging pera ang pagbabatayan mo ng iyong ginagawa!  Kasi mahirap ang buhay at kahit patalim ay kailangang kapitan...   na ginagawa mo ito para sa iyong pamilya... haller, ang gumawa ng mali para sa kinabukasan nila?  Tama ba un?  Talaga bang hindi natin maawat  ang mga taong gumagawa ng masama? Ang mga manloloko at napaloloko?  Kapalit ang perang kikitain?  Ang kaisipan na minsan mo lang gagawin at pagdaka’y parang isang bagay na hinahanap mo na at palagiang gawain na... nakalusot na sa una, pangalawa, pangatlo at maraming beses...

Hindi nga ba talaga sanay DAW ang mga pinoy sa strict implementation?  Hmmm may punto ang isang kababayan... ningas kugon nating masasabi ang mga batas na minsan ay nawawala at hindi na ginagamit... just want to share some insights dito sa kalalabas na batas sa pampublikong sasakyan na mga jeep saying, “NO SMOKING” sticker from LTFRB na nakadikit sa salamin at sa loob ng jeep.  Isang beses nagsalita ako sa jeepney driver na, “Mama nakalagay na po sa unahan nyo na No Smoking,” tinapon ang sigarilyo.  Isang beses ulit, “Mama bawal na po ang manigarilyo sa pampasehong jeep” salamat tinapon nya ung sigarilyo nya. Pangatlo, pang-apat at panglima, “Mama di ba bawal na po magsigarilyo at meron nga pong NO SMOKING sa harapan nyo” ang sabi sa akin, “Daig nyo pa pulis sa sobrang higpit nyo ah, eto ang pamasahe mo bumaba ka na lang,” “hindi ako bababa dito ang sinasabi ko lang ay sundin ang nakalagay na sticker sa harapan nyo, otherwise sirain nyo yan at alisin, para hindi kayo masita” hays nakahanap ata ako ng kaaway... simula noon ayoko ka nag sawa na ko sa paninita ng nagsisigarilyo... kasi naman itong mga traffic enforcer hindi rin naman nila sinusunod un e... may mga LTFRB bang personnel para manita at manghuli non? Hay nako tuloy gobyerno na ang nasisisi sa mga ganitong batas na hindi naman nila pinanatili... at paano pananatilihin hindi naman ako pulis para lagi na lang manita...

Gusto ko ung banner ni Mayor Lim ng Manila na nakalagay sa corner ng Quirino at Taft San Andres bukid saying, “THE LAW APPLIES TO ALL OTHERWISE NONE AT ALL”.  Masasabi kaya nating sa paghihigpit ng batas ay isang paraan upang maalis o mabawasan man lang ang mga masasama at maling paraan ng buhay?  At sa pagsunod ba natin sa batas ay paraan upang maging maunlad ang ating bayan?  Sabi ni Pinoy, sa daang matuwid... ano nga ba ang daang matuwid at ang daang mabilis at shortcut?

 Kapalaran na rin ba ng mga pinoy and hindi pag-unlad?  Maraming ahensya ng gobyerno, maraming mga opisina at mga establishment na meron strict policies and regulations, kasama ba tayo sa mga sumusunod upang mapaayos at mapabuti, una tayo sa ating sarili, pangalawa sa ating kapaligiran, pangatlo ang ating bansa at higit sa lahat sa Diyos?  Kailan nga ba tayo susunod sa mga batas? Sa batas trapiko, sa batas ng pamahalaan, sa batas ng ating komunidad? Na walang hangad ay para na rin sa ating kabutihan?  Alam natin sa simula’t simula ang dapat nating gawin upang hindi tayo mapahamak sa ating patutunguhan, mayroon tayong angking talino na dapat gamitin at mga matang nakikita ang tama at mali.  Sino nga ba ang dapat managot sa ating mga aksyon? Gobyerno ba? Magulang natin? Mga teacher natin? Tanong mo sa sarili mo! Sino nga ba?

Sabi ng kanta, “kapalaran di mo man hanapin darating din” at hangad ko lang na kung dumating man ang kapalarang iyon ay isipin mo muna kung tama ba o mali na i-grab mo ang opportunity na yon... at ang kapalaran kung hindi mo man matagpuan e hanapin mo, isipin mong maging matagumpay ka sa lupit ng buhay, magsipag ka, oo nga’t mahirap hindi lahat ng tao e biglang yumaman ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran at sa bawat panahon may darating na magandang bukas doon sa katumbas ng pagpapagal mo at pagsasaliksik nito, magandang destinasyon kapalit ng hirap na pinundar mo at tyaga na ginawa mo... doon doon mo lang mapagtatanto na sa kabila ng hirap ay may tagumpay... wag kang magsawa ng gumawa ng kabutihan... wag kang magsawa na patuloy mong harapin ang mga unos at dagyos ng buhay dahil ito’y isang ingredients sa masarap na buhay na darating sa atin... kapalaran o kapalaran ano ang naghihintay...  paano kita tunay na masisilayan...

No comments:

Post a Comment