My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Tuesday 8 November 2011

Paalam na...


Sa aming paglisan dito sa United Kingdom
Sa huling pagsakay sa barkong sinasakyan
Ako’y naging mabunga, mapagpala’t masaya
Sa isang taong pagtatrabaho sa minamahal kong barko

Kaya’t ikaw ay lilisan, papuntang Gitnang Silangan
Sa bagong pamamahala, sa mga bagong mukha
Patuloy kang gamitin, sa kanila’y pagpapala rin
Dalawangpu’t pitong taong din, sa UK ika’y nagmagaling

Kaya’t kami’y magpapaalam na, muling babalik sa mga ahensya
Damdaming nadarama may lungkot at saya
Di mapigilan ang luha at ito’y pumapatak na
O Alliance, O Alliance, minahal ka namin sa twina

3 comments:

  1. Nep lipat ka pala ng ME.Panibagong pakikipagsapalaran na naman yan.Goodluck.

    http://tatess.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. hi Tatess yun pong barko hindi kami kasama hehe transfer me sa lugar mo hehe... sa South nga lang...

    ReplyDelete
  3. better late than never! hi kuya nep, salamat sa pag feature ng site ko sa About mo! may domain name na po ako www.kwentonikiko.com added na rin kita sa aking blog roll. God Bless!

    ReplyDelete