My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Saturday, 19 November 2011

The BEST OF THE YEAR 2010

Isinulat ko ang tulang ito isang taon na ang nakaraan at muli ko syang natagpuan
Kaya't muling isasaysay, sa mambabasa'y may kapulutan
Itong pangyayari sa aking buhay na hindi dapat pagsisihan


the Lord has done great things and we rejoice... Psalms 126:3


Pagpupuri, pagdakila sa Diyos na mapagpala
Pagsamba, pagluwalhati, aking laging itatangi
Pasasalamat na mabuti, isasaysay iyong pagkandili
Mapapurihan at maitaas, Banal mong Pangalan hanggang wakas

Mula ng ako'y umuwi, galing sa Bansang Qatar
Mga plano ng Diyos sa akin hindi ko pa alam
Nakaranas ng matagal, trabahong hinihintay
Paghihintay, paghihintay hanggang kelan magtatagal

Mula Oktubre 2009, hanggang Agosto ng taong kasalukuyan
Maraming karanasan, aking napagdaanan
Nag-aaral ng kung ano-ano, dagdag kaalaman
Pinasok ang Edukasyon mga training na laan

Matapos ang summer class, trabaho sa Dubai'y nagbukas
Inayos mga papeles, excited na muling lumabas
Paghihintay sa kainipan, meron palang dahilan
Isang bagong oportunidad, na wala sa aking hinagap

Di' ko sukat akalain, Diyos ko'y may tanging hain
Isang kakaibang trabaho ang maglibot ng mundo
Ngunit kailangang makapasa sa interview ng kumpanya
Mula sa Scotland, English ko'y muling susubukan

Dumating ang araw, tatlo kaming isasaklang
Mga bigating aplikante, kailanga'y maging diskarte
Ngunit walang imposible, sa Diyos na mabuti
Alam nya kung kanino ibibigay ang trabaho

Panibagong simula, panibagong kabanata
Mula sa panlupa, sa karagatan naman magsisimula
Mula sa Asia, Middle East at Europa
Napuntahan ang South America, isasaysay kadakilaan nya

Sa mga bansang napuntahan, dala-dala'y kagalakan
Mga kakaibang karanasan, sabi nga'y pang mayaman lamang
Mga Five Star hotel na pinasukan, mga lugar ginalaan
Nasa tanang aking buhay, hindi ko pa naranasan

Ang mga nais ng puso ko, at mga panalangin ko
na malibot ang mundo ay unti-unti ngang pinagkakaloob mo
Pananangan sa iyong kapangyarihan, paghihintay ay kailangan
Sa tamang panaho'y ibibigay, kung lagi nga sa 'yo mananangan

Sa kabila ng tagumpay at mga pagpapalang taglay
Problema sa buhay aking naranasan
Mga plano ng Diyos sa akin di ko dapat madaliin
Pag-aasawa'y di biro at hindi dapat nilalaro

Humihingi ng kapatawaran ang mga naging pagkukulang
Mga pansariling nais ang resulta'y nakakainis
Nawala sa ministeryo upang aking mapagtanto
Katulad ni Apostol Pablo, iyon pala ang iyong plano?

Kaya't sa aking pag-iisa ay iyo ngang ipinakita
Walang problemang mararanasan, kung ikaw ay laging titingnan
Hindi pa huli ang lahat, problema sa iyo ay iniiyak
Maging maayos ang lahat at kaligayaha'y maging ganap

Inihingi ng tawad sa 'yo unang isiniwalat
Pagkakamali'y pwedeng ayusin hangga't maaga'y gawin
Akin na ngang inihayag sa balana ay nag-ulat
Desisyong aking ginawa, hiling ko'y pang-unawa

Tuna'y ngang kay Dakila, pagpapatawad mong gantingpala
Sa kabila ng nagawa, trabaho ko'y iyong pinagpala
Pangako mo sa akin, sa Genesis 12 aking ididiin
"Ang sa iyo'y magpala ay akin ding pagpapalain"

Kaya naman sa aking tinatangkilik, ika-sampung bahagi'y ibabalik
Patuloy mong palaguin, kaban ng yama'y punuin
Maging daluyan ng pagpapala at makatulong sa kapwa
Maging mabuting katiwala, sa binigay mong pagpapala

Kayo'y aking hinahamon, kaya nyo ring gawin
Bigyan ka ng sampung libo, isang-daan ipagkaloob mo
Maliit pa lang ang perang iyon at kung kaya pa natin
Bigyan ka ng limang libo, limang daan ang ibigay mo

Kung mananatili tayong tapat, hindi lang 'yon sapat
bibigyan ka ng limampung libo - limang libo ang ipagkaloob mo
Paano kung isang daang-libo at kalahating milyon ang dumating sa 'yo
Kaya mo pa bang ibigay para sa Diyos mo?

Tuesday, 8 November 2011

Paalam na...


Sa aming paglisan dito sa United Kingdom
Sa huling pagsakay sa barkong sinasakyan
Ako’y naging mabunga, mapagpala’t masaya
Sa isang taong pagtatrabaho sa minamahal kong barko

Kaya’t ikaw ay lilisan, papuntang Gitnang Silangan
Sa bagong pamamahala, sa mga bagong mukha
Patuloy kang gamitin, sa kanila’y pagpapala rin
Dalawangpu’t pitong taong din, sa UK ika’y nagmagaling

Kaya’t kami’y magpapaalam na, muling babalik sa mga ahensya
Damdaming nadarama may lungkot at saya
Di mapigilan ang luha at ito’y pumapatak na
O Alliance, O Alliance, minahal ka namin sa twina

Thursday, 3 November 2011

Pasko ng OFW

 
Pasko na naman, ang mga OFW ay mag uuwian
Upang makapiling, kanilang mahal sa buhay
Maraming mga pasalubong, sa kanila ay laan
Pabango, laruan, at ibat-ibang gamit sa bahay
Inyo ngang makikita, mababanaag sa kanilang mata
May tuwa at saya at may sobrang excited pa
Ito nga ang panahon na kung saan nagtitipon
Ang Tatay, Nanay, si Ate at Kuya pati si Lolo at Lola

Anong tuwa’t anong saya, pagdating sa NAIA
Umaatikabong palakpakan sa eroplano’y naghihiyawan
Hindi mo maikakaila, ang kasayahan ng Madla
Problema ma’y dumating sa Pasko’y walang makakapigil

At sa terminal ng NAIA, pasko nga ay mababanaag na
May bandang naghihintay, awit ng Paskoy nagsasalimbayan
At sa iyong paglabas, ang mga mata mo’y naghahahanap
Pamilyang kumakaway sa dako pa roo’y naghihintay

Kumpleto na naman ang pamilya, sa ganitong okasyong masaya
Naghahanda para sa Noche Buena, masasarap na pagkai’y dala
Pagbibigayan ng regalo ang susunod na eksena
Bukas dito bukas doon, may monito-monita pa

Ngunit huwag nating kalilimutan, ang Mensahe ng Kapaskuhan
Kapanganakan ni Hesus doon sa abang sabsaban
Ipinadala ng Dios Ama upang atin ngang makita
Pagmamahal sa balana, sa Krus ay nagdusa

Pagbibigayan at pagmamahalan sa OFW ay kakitaan
Hindi lang pera-pera ang maging hangad sa twina
Pagtulong sa kapwa, sa mga nangangailangan ay handa ka
Upang lalo mong makamtan, Pasko ng puso’y anong yaman

Wednesday, 2 November 2011

WANTED: FRIENDS

Wanted: Friends

Qualifications: One of the following:


He/she should loves to cook, bake,
prepares juices and other drinks...


He/she should have time for
running/jogging in morning/evening
and joins fun run/marathon...


         He/she should love taking photographs and
loves to shoot, have time to go out to shoot for any topic...

He/she should love plants, likes  gardening...


He/she should be adventurous, out goer,  loves to travel anywhere (kkb)...

He/she should be a blogger,
knows anything when it comes to blogging...
tulad ni Pablong makatat manunulat (http://pablongmakatatmanunulat.blogspot.com)
at si pinoy sa earth (http://pinoysaearth.blogspot.com)



 
Ay hindi ko po sinasabing wala kayong ginagawa (lol!) hindi naman po dapat lahat alam nyo hehe one of those lang na pwede kong kasama sa shooting, sa pagluluto, sa galaan, etc. etc. matagal ang bakasyon ko ngayon yahooo

Thursday, 27 October 2011

HIRAP NG MARINO

By Nepthali Paraiso


Sa aming paglalayag sa malayong dagat
Parang nangawala mga tao sa barko
Dahil ba sa lakas, ng along sumasambulat
Sa aming barko, ang mga tao’y nahihilo

Lumabas ng Scotland, panaho’y ‘di kay inam
At sa pagdating ng lugar, agad masimulan
Kaya naman lahat kami’y, animo’y nagkasakit
Nagsusuka, nahihilo, nagtulog sa kanya kanyang kwarto

Kaya’t inyong mapapapansin sa messhall namin
Sobrang daming pagkain, kakonti lang ng kumain
Garlic bread at spaghetti na aking kinain
Sa kinahapunan ay isinuka rin

Buti pa ang iba’y may panahong umidlip
Di ko naman maiwanan, itong opisinang pinagbilinan
Maging ang aking kwarto, ngayo’y may kasama na ako
Siyang natutulog at panggabi sa trabaho

Hindi na ko kumain, ng gabing iyon
Di mapalagay, hirap ang katawan
Kailangan ng lakas, kailangang lumaban
Kumain ng biscuit, konting ubas at tubig

Kaya’t ako’y dumalangin, kami’y pagpalain
Gabay at kalakasan, sa kinabukasan ay taglay
Panahon ay maging maayos, maging ang karagatan
Matapos ang proyekto ng walang peligro

Sunday, 23 October 2011

Ang Aking Bakasyon

Nakaligtaan ko na ang pagtula
Kaya heto na naman si Pablong Makata
Nagpipilit mag-isip kung anong ilalathala
Upang ang mambabasa’y muling matuwa

Siguro’y ikukuwento ang panahon ko sa trabaho
Apat na buwang nagtrabaho, bakasyo’y dalawang lingo
Ngunit laking pasasalamat, sa mababait kong amo
Muli kong nasilayan ang mahal kong bayan

Ang totoong kontrata’y dalawang buwan lamang
Dagdag na dalawang buwan, kahilinga’y napagbigyan
Nabagot na rin ako, nainip sa barko
Ginawa kong dahilan, bakasyon ng nanay

Mahaba-habang kwentuhan aking isasalaysay
Mula sa paglisan sa barkong sinasakyan
Dumating ang karelyebo para sa dalawang lingo
Kulang ang panahon, sa pagbibigay ng instruksyon

Kung ako rin ang nasa kalagayan, at ako’y bago lamang
Di man maintindihan at talagang mangangapa lamang
Hindi naman masyadong, kumplikado ang trabaho
Kaalaman sa computer at madali kang matututo

Nagmamadaling lumisan, hindi na nga nakapagpaalam
Ang taxi’y naghihintay, papunta sa hotel natutuluyan
Napakagandang pagmasdan, nitong lsla ng Shetland
Puro kabundukan, walang punong masisilungan

Kaya’t malaking katanungan sa isip kong naglabasan
Wala ni isang puno, ni isa’y walang matanaw
Sa pagtatanong ay nalamang, kaya pala ganon na lamang
Laging malakas ang hangin, sobrang lamig sa kapaligiran

Kaya’t aking natatanaw, mga puti sa kabundukan
Maraming naglipanang, mga tupang inaalagaan
Nakarating sa tutuluyang hotel na paglalagakan
Kay linis at kay ganda, isang gabi rin at aalis na

At sa kinabukasan sa airport na pupuntahan
Isang oras ding naglakbay, sa dami ng kabundukan
 Ako ay napatawa ng airport ay malapit na
Nag cross ang sasakyan sa daanan ng paliparan

Kami lang ng kasama ko, ano’t walang katao-tao
Maya maya pa’y nagdatingan mga pasaherong magsasakayan
Kami ay sinabihan baka dalahin ay maiwan
Dalawang kahon namin sa Maynila na kukuhanin


Kasi naman ang sasakyan, chartered airplane lamang
Maliit na eroplano konti lang ang pasahero
Di kayang dalhin sobrang bigat ng dalahin
Hindi na namin nakita, bagahe naming sa Edinburgh*

Mula sa pandaigdigang, paliparan ng Scotland
Muli kaming maglalakbay, papunta sa Amsterdam
At ng ang eroplano’y mag touch down, sa lugar ng Netherlands
Sobrang laki ng airport, sala-salabat ang mga roads

Halos tatlumpong minuto, bago nakarating sa airport mismo
Koneksyon ng susunod na eroplano, mukhang kami’y mapepeligro
Kaya’t ako’y nag-alinlangan sa katabi’y nagtanong  na lang
Wala palang palugit na oras, pagkababa’y magtatakbuhan

Sa aming pagtakbo, na halos dalawang kilometro
Sobrang laki ng paliparan, grabeng pagod ang naranasan
Ang ng makarating sa pintuan, ng gate na sasakyan
Sobrang daming pinoy, nakahanda ng lumulan

Kung hindi kami tumakbo, at parang holdaper sa kanto
Malamang maiiwan, ng eroplanong sasakyan
Sa madaling salita, nakarating ng Maynila
Muli kong nasilayan ang aking magandang Bayan

At sa aming paghihintay ng bagaheng naiwan
Kami na lang ang natira ngunit ang bagahe’y wala pa
Nagpunta sa complaint center, ng eroplanong KLM
Maya-maya pa’y lumabas na lungkot ang dala-dala

Kasi naman andon, ang lahat ng mga pasalubong
Mga damit, tsokolate, mga bag at kung ano-ano
At sa aking pananghalian, na miss kong mga ulam
Mangga at bagoong, at Pritong tilapia na sinawsaw sa suka

Panahon ng tag-ulan, mga araw na nagdaan
Dalawang bagyong dumating aking nasaksihan
Sa aking pagpunta ng isang araw sa opisina
Inabutan ng pagbaha kailangang lumusong walang magagawa

Inayos mga papeles nag renew ng mga gamit
Kumuha ng UK visa, para sa panibagong kontrata
Kulang na kulang nga, aking panahon sa Maynila
Sa pamilya’t mga kaibigan, mga ka tropa’t kakilala

Kailangan ng bumalik, tapos na ang dalawalang linggong palugit
Ang karelyebo kong ka opisina ay sa kabilang barko pupunta
Muli ngang naglakbay ng halos dalawang araw
At muli kong nasilayan ang barko kong minamahal

Monday, 17 October 2011

A roaring sea waves!

'He is my refuge and my fortress: my God; in Him will I trust" (Psalm 91:2).

As I watched the ocean from my office window, roaring big waves strikes our ship as we sail back to Port of Leith for our project demobilisation.  As you watched the discovery channel’s documentary ‘Deadliest Catch’ seemingly the same experience as the big waves lashes our ships. Pretty blessed that wind is not as stronger.  Weather forecast for today onwards tells that sig waves falls to a height of 3.5 – 6meters.  I thanked God that laying of umbilicals was completed last night and we commenced transit by around 12midnight.  During this period from October to December it is not applicable to sail if your vessel is small enough to encounter huge sea waves in the North Sea.  And this is the time were most of the seafarer experiencing sea sickness.  Staffs were vomiting and can’t take standing as seems you’re in the building with an earthquake magnitude of 10.  Yeah, you’ll thinking that our life is easy and good? No! It’s not really!  We are blessed with a high paying job in exchange for the high risk and danger lives at sea.  Ask seafarer’s you know and inquire to them the experiences they had during bad weather.

I remember the storms on the Sea of Galilee where Jesus portrayed his miracles during the great windstorms causing high waves that beat the boat.  Frightened by the storm that boat is about to fill with water, the disciples hurriedly woke up Jesus.  Jesus stood up and commanded the wind, “Be quiet!” and he said to the waves, “Be still!” the wind died down and there was a great calm. (Mark 4:35-41 TEV)

Why are you frightened? Do you still have no faith?  For others, sea storm are part of sea life and nonsense thing to discuss but for others who believe on God, still, asking protection and guidance is the best thing that needs to be done.  I am not frightened for I know that God is here and he will always be with us. 


Friday, 14 October 2011

Ka-Blog!

I was inspired with my friends from Qatar and other places who had a time fully enough to update their blogs.  Seems isa na ko sa mga ‘Ningas Kugon’ person na sa umpisa ay excited to do the things they want to do and comes the day na feeling lazy and bored to continue what they started.  But the thing is, I have a fear na gawin during my office hours like this (wala naman si Bossing wink!), the fact is, I don’t want my work be hamper because of blogging, though nagagawa ko naman talaga when we don’t have a project and waiting for the personnel to arrived, that time I’m so busy to prepare paper works.  During this time we have a project, the idle time is waiting on weather, that’s the time when all worked are stopped due to the bad weather in laying down the umbilicals.  In blogging, you should have the time to reminisce, thinking of what topic to discussed, dreaming, planning, etc. etc.

Ano nga bang magandang topic na dapat ilagay sa blog? Ano nga bang dapat malaman o gusto nating ipahatid sa ating mga readers?  Maybe it depends on the topics you are interested, like others who blog their everyday life, thousands of ideas and topics are here, from sports to food, to family and leisure, to hobbies and travel, OFW and their life, music and gadgets, animals, etc. etc.  Sobrang dami kaya others fall in general category.  I had 2 blogs at this time, the Pinoy Sa Earth (PSE)  http://pinoysaearth.blogspot.com/ and Pablong Makata’t Manunulat, http://pablongmakatatmanunulat.blogspot.com/ the previous one cater the life and work of Pinoys OFW and the latter is a poem, articles and anecdotes. I google mo lang yang site and presto marami kang mababasa hehe.  Sometimes, there are many things that comes in my mind and I wrote only the title without the body of articles (lol).  Sometimes I did daydreaming, na someday maabot ko those plans and dreams and I know that God will be able to fulfil what He has promised.  I say, “malapit na! Malapit na! Kayang kayang abutin...  tuloy minsan napapakanta na lang ako ng, “Bituing walang ningning” (lol)

Maybe I need more time though sabi nga nga iba masyadong makulay ang aking buhay (lol),.. yeah sa buhay ko lang there will be more to blog (lol) and maybe the time will come when the book entitled, “My life’s journey” will come out during book launching (lol)... tuloy nababansagan din akong “si Nepthaling Mapangarapin”... I like the life of Joseph (the dreamer) he is one of the best story in the Bible and because of Him naging maganda ung buhay ng family nila as God promised to Jacob.  O yan umpisa ulit hehe at marami na naman akong naisip na i-blog kasi kabubukas ko lang ng aking yahoo mail (nepparaiso@yahoo.com) e I received a lot of comments sa facebook, and I know maraming sumusubaybay sa makulay kong buhay hahaha... si that’s for now and hope to received more feedback from you... just send thru my email add. God bless.

Saturday, 9 July 2011

ANO BANG PAKINABANG

By Nepthali Paraiso 9-Jul-2011

Kaming mga OFW, bayani kung tawagin
Lumayo sa pamilya, iniisip kinabukasan nila
Sa malayong lugar, kami’y nakipagsapalaran
Upang matustusan, kanilang pangangailangan

Mahirap man sa amin, ngunit kailangang gawin
Hindi mo kikitain, sa Pilipinas na aking giliw
Hindi lahat sa amin, nagtagumpay man din
Ngunit kailangang t’yagain hirap ay kayanin

Paano na nga kung dumating, pangambang susuungin
Mga bansang narating, problema’y dagsain
Krisis na nararanasan mga tao’y nag-aaklasan
Dito sa gitnang silangan, sila-sila’y naglalaban

Marami na ring nangangailangan, ng trabaho sa kanilang bayan
Kaya’t ang gobyerno nila’y naghahanap ng paraan
Pinag-aaral, pinagsasanay, para sa kinabukasan
Upang hindi na mangailangan ng trabahador sa ibang bayan

Likas sa atin, kasipagan at masunurin
Talinong angkin, sa trabaho’y nagniningning
Kaya’t ang aking dalangin, pagkakatao’y samantalahin
Pag-iimpok ay unahin, sa pagbabalik ay may dudukutin

Dapat ding malaman ng pamilyang naiwan
Trabaho’y pansamantala lamang, isipan nyo ay buksan
Hindi laging Dolyar, inyo ngang makakamtan
Pagtitipid at pag-aaral ng mga anak ay kailangan

Ang problema naman sa ating bayan, sa mga OFW’y walang laan
Mas gusto nila’y kabataan mas mababa ang pasahuran
At kaming mga batikan, negosyo na lamang ang nasa isipan
Ito na lamang ang paraan, pangangailanga’y matustusan

Ano nga bang kahihinatnan ng mga bayaning naturingan
Pagkatapos magbigay ng kamal-kamal sa bayan
Ano naman ang pakinabang ng gobyernong tinulungan
Mga corrupt  na opisyal dapat kayong magsilayasan

Ano nga bang laan sa mga bayaning nahirapan
Ilang taong nagpapagal sa huli’y luhaan
Kaya’t hibik ko’y pakinggan, sa inyong mga mahal
Ano nga bang pakinabang sa amin ay naghihintay



Thursday, 7 July 2011

TRABAHONG LAAN

Nep Paraiso 23/6/2011 3:50pm

Eto na naman, eto na naman, lahat ay nag-uuwian
Proyektong natapos, halos isang buwan sa laot
Hindi ko alintana, at walang pangamba
Hindi ako pababayaan, Ang Dios sa aki’y may laan

Matapos silang mag-uwian, muli kaming maglalakbay
Sa pinakamamahal kong lugar, sa Puerto ng Leith ng Scotland
Dito ko naihayag, maraming tulang nabigkas
Sa pag-iisa sa kabina, mga araw ay di alintana

Mababait kong mga amo, sila’y pagpapalang totoo
Kahit walang proyekto, i-re retain nila ako
Bibigyan ng trabaho, ng kahit ano-ano
Kahit magbantay ng tao, mag monitor ng trabaho

Gayon na lang ang pasasalamat, sa biyayang natanggap
Pagpapalang nakamtan, Dios pangako mong laan
Hinding hindi makakalimutan, kahit magpakailanman
Nakatatak sa isipan, kaya’t lagi kitang papupurihan

PATAWAD

by Nepthali Paraiso 19/6/2011
Isang bagay ang aking nakita, na hindi maganda
Magbiro sa twina, ngunit nakakasakit na pala
Hindi ko kasi alintana, at akala ko ay Masaya
Hindi pala lahat ng tao, kumakagatsa biro mo

Kaya’t ang aking bibitawan, patawad sa tanan
Hiling kong kapatawaran, iyong pakinggan
Hindi na uulitin sa mga taong nasasaktan
Hangad ko ay kapayapaan tayo ay magkaunawaan

Kayo’y aking mga kaibigan, dito sa ibang bayan
Wag po tayong mag-aaway kundi laging magtulungan
At kung may nasabi mang di magandang nabitawan
Inyo nga po akong sabihan at ng aking malaman

Hindi mawawala, minsan tayong makapagsalita
Mga nabitawang nasabi, akala nati’y tama
At sa pagtalikod natin di mo alintana
Galit ng damdamin, sa kapwa mo’y nag-iigting

Mabuting pakikisama, hangad ko sa twina
Walang inggitan, magandang pagtitinginan
Malayo man tayo sa bansang pinanggalingan
Iisa pa ring pamilya, nagtutulungan, nagkakaisa

ALON

by Nepthali Paraiso 13/6/11 10:00pm


Tunay ngang mahirap, magtrabaho sa dagat
Kalaban ay alon, sa ibat-ibang panahon
Itong aking kasama, hirap na hirap na
At nagkakandasuka, dahil hindi na makaya

At sa aking pagmasid, akin ngang nabatid
Tulad din ng buhay, dagat man may ibat-ibang kulay
Magandang pagmasdan kung payapa ang karagatan
Ngunit sabi ng iba, “boring” naman sa kanila

Kay lungkot daw tingnan, mapayapang karagatan
Ngunit sa aking pakiramdam, dala nito ay kapayapaan
At tuwing nangangalit ang karagatan, alon ay naglalakihan
Hampas dito hampas doon, ang tao man ay ganoon

At sa gabing mapanglaw, alon ay naglalakihan
Hindi magandang panahon, aming nararanasan
Hindi ako makatulog, ang barko ay umiindayog
Ayon sa “weather forecast” bukas pa matatapos

Dito sa aking kinatatayuan, dama ko ang kalamigan
Maitim na ulap sa kalangitan, nangangalit na alon sa karagatan
Akin ring natatanaw mula sa kalayuan
Isang barko ring tulad naming, pareho rin ang nararanasan

Bakit hindi ko nadala itong aking camera
Makunan ng larawan, itong alon sa karagatan
Namumuti ang kapaligiran, sa hampas nyang walang liban
Ito nga ang kalaban, ng mga nagtatrabahong seaman

Ito nga ba ang kapalit? Ng malaking kita at saglit?
Kontratang kay bilis, tunay na hindi nakakainip
Depende nga rin sa trabaho, o sa kursong natapos mo
O masasabi ring kapalaran? O akda sa ‘yong buhay

Tuesday, 5 July 2011

Pasasalamat

June 5, 2011 Nepthali Paraiso

Salamat, salamat, sa biyayang natanggap
Kahit nakakainip, trabaho’y saglit saglit
Di ko malaman, kung ano pa ang sisimulan
Trabaho’y kay gaan, sapat sapat ang bayaran

Damdamin ko’y nag-uumapaw, sa biyaya mong laan
Hindi ko malaman, kung paano kita pasasalamatan
Kaya naman sa mga lingkod mo’y, puso’y kay gaan
Basta sa kanilang pangangailangan, handa kong tulungan

Minsan mo nga akong dinala, sa paglilingkod na walang kita
Sa pinansyal ay wala na, butas butas pa ang bulsa
Kaya naman sa isipan, ang trabaho’y gawing paraan
Magsuporta sa gawain, mga lingkod mo ay pagpalain

Patuloy mo ngang pagpalain, lingkod mong giliw
Marami pang ministeryo, sa isip ko ay narito
Matupad ang nais ko, sa habag at awa mo
Magsilbing patotoo, sa mga nakapaligid na tao

Sa Banal na Aklat, na iyong sinulat
Natagpuan sa Genesis, pangako mong kay nais
Pagpapala sa lugar, na iyon ngang pinagdalhan
Kaya’t kita’y papapurihan, magpakailan-kailan man


ANG IYONG PALATANDAAN

June 5, 2011 Nepthali Paraiso

Salamat, salamat, sa biyayang natanggap
Kahit nakakainip, trabaho’y saglit saglit
Di ko malaman, kung ano pa ang sisimulan
Trabaho’y kay gaan, sapat sapat ang bayaran

Damdamin ko’y nag-uumapaw, sa biyaya mong laan
Hindi ko malaman, kung paano kita pasasalamatan
Kaya naman sa mga lingkod mo’y, puso’y kay gaan
Basta sa kanilang pangangailangan, handa kong tulungan

Minsan mo nga akong dinala, sa paglilingkod na walang kita
Sa pinansyal ay wala na, butas butas pa ang bulsa
Kaya naman sa isipan, ang trabaho’y gawing paraan
Magsuporta sa gawain, mga lingkod mo ay pagpalain

Patuloy mo ngang pagpalain, lingkod mong giliw
Marami pang ministeryo, sa isip ko ay narito
Matupad ang nais ko, sa habag at awa mo
Magsilbing patotoo, sa mga nakapaligid na tao

Sa Banal na Aklat, na iyong sinulat
Natagpuan sa Genesis, pangako mong kay nais
Pagpapala sa lugar, na iyon ngang pinagdalhan
Kaya’t kita’y papapurihan, magpakailan-kailan man


DAKILA KA DIOS AMA

created on 29 May 2011 Nepthali Paraiso

Dios na dakila, Amang mapagpala
Pagpupuri sa ‘Yo sa lahat ng ginawa mo
Sa lahat ng bagay, na ginawa mo sa aking buhay
Tunay na aking isasaysay habang ako’y nabubuhay

Kung ako ay nagkamali man, pag-ibig moy maasahan
‘Di mo ako tinatalikuran, at patuloy mong sinusubaybayan
Sa lahat ng aking lakad, presensya mo’y walang katulad
At sa mga kapahamakan ako’y Iyong pinoprotektahan

Marami man akong kaibigan, sa ‘Yo’y walang makakapantay
Sa mga problemang aking napagdaanan, unawa Mo’y laging laan
‘Di mo ako sinusumbatan tulad ng mga kaibigan
Pagpapatawad mo ay nariyan, sa aking mga kapalaluan

Hindi mo ako hinahayaan madaig ng kalaban
Kaya’t sa puso ko’y nakatatak, Dakila mong pangalan
Sa pamamagitan ng tula, patotoo at pagpapala
Isasaysay at ilalahad, sa mga mambabasa’y ihahayag

Bakit nga ba sab pag-iisa, don ko lamang naipadarama
Dahil ba malayo? Sa mga kaibigan at pamilya?
Ito nga ba ang dahil sa mga karamihan
Na sa pag-iisa lamang, magagagawa ang maraming bagay

Patuloy na karunungan, pagpapala at kalakasan
Itong aking kahilingan, nawa’y patuloy mong ibigay
Upang  mabatid nila, Dios na aking sinasamba
Mapagpala, mapagbiyaya, makapangyarihan at Dakila



Friday, 8 April 2011

A bitter-sweet reunion with Mang Ed Fabian

Sa buhay ng tao darating at darating ang araw na muli tayong haharap sa ating Manlilikha, kung ito may bunga ng sakit, ng aksidente, ng biglaang pagkamatay or any circumstances na syang daan upang tayo'y humarap sa Dios... nakakalungkot man isipin but at some point, si Steph ay, tulad ng dati ay iniisip ang mga kasamahan, mga kaibigan, mga taong naging bahagi ng ating buhay don sa Qatar specifically sa project natin sa QGX2 and thru CTJV ay nagkakilala tayo, nagkasama, may halakhakan, may lungkot, may alitan but sa pagdaan ng panahon natuto tayong makisama ng tama, nakilala natin ang bawat isa bilang mga kaibigan... 

Naging kabahagi, kasama, ka trabaho natin si kuya Ed Fabian during those times sa Qatargas, thru the silentheroes2006@yahoogroups.com ay nagkaroon tayo ng pagbabalitaan after ng ating mga terms don sa Middle East. Ang iba sa atin ay isang taon, dalawa, tatlo o higit pa depende sa pangangailangan ng kompanya.   Minsan na rin nating nabasa nga ang tungkol kay Mang Ed nong sya ay nagsimulang makaranas ng ganong sakit at natulungan sa pamamagitan ng pitak na ito ang muling pagdadamayan... at tulad din ng nasirang Dr. Balhon ay nalaman natin ang mga pangyayari... Hindi pa rin matatawaran ang pagkakaibigan, ang pagkakakilala at tulad ng mga darating na panahon ay isa isa tayong kukunin ng Maykapal at sana ay hindi lang malaman ang lungkot ng buhay ngunit yong kasayahan na mulilng mabuhay sa pagbabalitaan at maganda nga kung ang mga planong naibahagi sa inyo ay masaya nating pagtulungan at pagsamahan...  bukas, makalawa at susunod pang mga araw ay siguro nga madadalaw ko na rin sina Steph at Norman don sa kanilang lugar sa Pasig... may mga planong muling  magkikita at makilala ang bawat miyembro ng kani-kanilang pamilya at magkakilanlan din tulad ng nangyari sa atin sa Gitnang Silangan...

Masarap alalahanin ang mga masasayang bagay ngunit minsan kailangan mangyari ang ganitong bagay upang may ipaalala sa atin ang Diyos...  na hindi lang kayo magsama-sama sa mapait na karanasan at magkita kita sa isang burol… but hanggat tayo'y buhay pa at may lakas ay makita ung patuloy na pagkakaibigan even without work and money... hindi lang naman pera o work ang makapagpapasaya sa isang taong may sensiridad at palakaibigan but yung legacy na iniwan mo sa iyong naging kaibigan... nakilala ka, bilang isang ikaw... bilang kaibigan... bilang karamay... bilang isang OFW na naging kabahagi don sa Kabilang Dagat para magtrabaho...

Mabuhay kayo!

Wednesday, 30 March 2011

KAPALARAN NGA BA ANG SINAPIT?

Based on the flight of 3 Filipinos that sentenced to Death in China by Paul Paradise


Malimit nating marinig ang mga ganito, “ang kapalarang sinapit…” “ang kanyang naging kapalaran…” “yan ang itinakdang kapalaran…”  Ano nga ba ang ibig sabihin nito… ito nga ba talaga ang itinakda? O tayo ang gumagawa ng ating kapalaran?....

Bago ang lahat narito ang ilang pahayag ng mga taong aking nakapanayam at itago po natin sila sa ibang pangalan.  Ang aking naging katanungan sa kanila ay, “Ano po ang inyong masasabi sa tatlong (3) pinoy na hinatulan ng kamatayan sa China?”

“i think we should always be responsible with all the things we are doing, in their case, they were convicted based on evidence, so meaning, they are guilty! what we can do is just to pray that they will repent before the execution . kc if the govt. will work hard to save the 3 of them, what about the others who were wrongfully accused but still languishing in jail, unfair di ba?
 Kasi  if the govt. will work hard to save the 3 of them, what about the others who were wrongfully accused but still languishing in jail, unfair di ba? Basta, we should not do anything that will wreck our reputation and always be on the right side of the law to avoid these bad consequences!”  - Teacher Tess of PSD Qatar
“...dpt lng yun. para di na dumami pa ang gagawa ng gnung klaseng trabaho.  Matagal na nilang Gawain un e. Alam ni credo un kasi un ang work nya.  Magpuslit ng droga sa ibang bansa… nataon lang sa china sya nahuli… and besides paano pagbibigyan ung tatlo e 300+ pinoy pa nakapila sa kanila na bibitayin… “ Atty. Ganda

“ It’s their destine… panggising sa mga pinoy na may muwang at walang muwang. Yan ang batas sa China wala tayong magagawa… Lets just pray for the soul of the 3 pinoys. ..” Jadey Arellano – Doha, Qatar

“tungkol naman sa drugs e, sa akin buti na yon para mabawasan ang mga addict.” – Marilou, Recruiter

“Wala tayong magagawa… kung may kasalanan man sila o wla, kasi sa ibang bansa nangyari e. Condolence na lang sa mga naulila…”  Alex of Bacoor Cavite

“Lesson learned. Batas sa China un e. Wala tayong magagawa. Hindi kasi sanay ang mga pinoy sa strict implementation ng batas. Sa atin kasi maluwag lahat. Kaya kung ganyang pagkakataon yari talaga ang pinoy.Tik of Singapore

China has their own set of laws as the Philippines, if the crime is proven beyond reasonable doubts, they will execute them our govt has done whatever they can as VP Binay does, so be it.  So we learned the Lesson! Sa ating mga kababayan, don’t trust anybody, even your own brother and sister will betray you, trust only the one Up Above (Amen)”… Arnel of Ilocos Norte

I would say, as a human I pity them... China, like the other country has a law and they are imposing it accordingly... the Phils. Knows it yet our Govt tried to favor from them, but they failed.. not because China is a barbarian or has a hard heart, it simply because they need to impose the law to show that they are really mean it.. based on their testimony, they fail to do what is right, like double checking the bags before they go and use it or refusing the offer, its hard to say their condition but the fact that they carry drugs and they know it and they know that it is illegal.. and has a death penalty” - Arthur of Qatar

“wala na silang pagkakataon para magsisi at ituwid ang pagkakamali”Vanessa of Pasig

Base sa ating nakalap na mga pahayag, nagpapatunay lang na tayo ang nakaka alam ng ating mga ginagawa at tayo ang gumagawa ng ating kapalaran o masasabing destiny...  sa ating pagkabata naririnig na natin ang mga salitang, “... maging mabuting mamamayan”  sa pag-aaral natin tinuturuan na tayo ng kabutihang asal, at sa ating pagsimba (siguro naman pumapasok ka sa simbahan) naririnig natin ang mga sermong minsan tumutusok sa kaibuturan ng ating puso at nasasaktan tayo dahil tama ang sinasabi ng Pare o Pastor... mahirap nga bang magpakabuti?  Minsan masakit ding pakinggan ang putak ng putak mong magulang na ang hangad ay mapasa-ayos ang iyong buhay na hirap na hirap na sila sa kanilang pagta trabaho para lang tayo makapag-aral at pagdating ng panahon ay maging isang masunurin, mabuti at kagalang-galang na mamamayan ng ating bansa... ang tanong sino ba ang nagkulang? Tapos sa huli sisihin mo ang gobyerno sa kapalarang sinapit mo?  

We are responsible on all our actions... minsan at malimit nga na lagi na lang nating naiisip na, “Nasa huli ang pagsisisi..”  hindi ba pwede sa una o hanggang sa gitna!  Hangga’t maaga pa at pwede pang makawala sa desisyon at aksyon na ating ginagawa?  Pwede bang ikilkil mo sa utak mo na hindi laging pera ang pagbabatayan mo ng iyong ginagawa!  Kasi mahirap ang buhay at kahit patalim ay kailangang kapitan...   na ginagawa mo ito para sa iyong pamilya... haller, ang gumawa ng mali para sa kinabukasan nila?  Tama ba un?  Talaga bang hindi natin maawat  ang mga taong gumagawa ng masama? Ang mga manloloko at napaloloko?  Kapalit ang perang kikitain?  Ang kaisipan na minsan mo lang gagawin at pagdaka’y parang isang bagay na hinahanap mo na at palagiang gawain na... nakalusot na sa una, pangalawa, pangatlo at maraming beses...

Hindi nga ba talaga sanay DAW ang mga pinoy sa strict implementation?  Hmmm may punto ang isang kababayan... ningas kugon nating masasabi ang mga batas na minsan ay nawawala at hindi na ginagamit... just want to share some insights dito sa kalalabas na batas sa pampublikong sasakyan na mga jeep saying, “NO SMOKING” sticker from LTFRB na nakadikit sa salamin at sa loob ng jeep.  Isang beses nagsalita ako sa jeepney driver na, “Mama nakalagay na po sa unahan nyo na No Smoking,” tinapon ang sigarilyo.  Isang beses ulit, “Mama bawal na po ang manigarilyo sa pampasehong jeep” salamat tinapon nya ung sigarilyo nya. Pangatlo, pang-apat at panglima, “Mama di ba bawal na po magsigarilyo at meron nga pong NO SMOKING sa harapan nyo” ang sabi sa akin, “Daig nyo pa pulis sa sobrang higpit nyo ah, eto ang pamasahe mo bumaba ka na lang,” “hindi ako bababa dito ang sinasabi ko lang ay sundin ang nakalagay na sticker sa harapan nyo, otherwise sirain nyo yan at alisin, para hindi kayo masita” hays nakahanap ata ako ng kaaway... simula noon ayoko ka nag sawa na ko sa paninita ng nagsisigarilyo... kasi naman itong mga traffic enforcer hindi rin naman nila sinusunod un e... may mga LTFRB bang personnel para manita at manghuli non? Hay nako tuloy gobyerno na ang nasisisi sa mga ganitong batas na hindi naman nila pinanatili... at paano pananatilihin hindi naman ako pulis para lagi na lang manita...

Gusto ko ung banner ni Mayor Lim ng Manila na nakalagay sa corner ng Quirino at Taft San Andres bukid saying, “THE LAW APPLIES TO ALL OTHERWISE NONE AT ALL”.  Masasabi kaya nating sa paghihigpit ng batas ay isang paraan upang maalis o mabawasan man lang ang mga masasama at maling paraan ng buhay?  At sa pagsunod ba natin sa batas ay paraan upang maging maunlad ang ating bayan?  Sabi ni Pinoy, sa daang matuwid... ano nga ba ang daang matuwid at ang daang mabilis at shortcut?

 Kapalaran na rin ba ng mga pinoy and hindi pag-unlad?  Maraming ahensya ng gobyerno, maraming mga opisina at mga establishment na meron strict policies and regulations, kasama ba tayo sa mga sumusunod upang mapaayos at mapabuti, una tayo sa ating sarili, pangalawa sa ating kapaligiran, pangatlo ang ating bansa at higit sa lahat sa Diyos?  Kailan nga ba tayo susunod sa mga batas? Sa batas trapiko, sa batas ng pamahalaan, sa batas ng ating komunidad? Na walang hangad ay para na rin sa ating kabutihan?  Alam natin sa simula’t simula ang dapat nating gawin upang hindi tayo mapahamak sa ating patutunguhan, mayroon tayong angking talino na dapat gamitin at mga matang nakikita ang tama at mali.  Sino nga ba ang dapat managot sa ating mga aksyon? Gobyerno ba? Magulang natin? Mga teacher natin? Tanong mo sa sarili mo! Sino nga ba?

Sabi ng kanta, “kapalaran di mo man hanapin darating din” at hangad ko lang na kung dumating man ang kapalarang iyon ay isipin mo muna kung tama ba o mali na i-grab mo ang opportunity na yon... at ang kapalaran kung hindi mo man matagpuan e hanapin mo, isipin mong maging matagumpay ka sa lupit ng buhay, magsipag ka, oo nga’t mahirap hindi lahat ng tao e biglang yumaman ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran at sa bawat panahon may darating na magandang bukas doon sa katumbas ng pagpapagal mo at pagsasaliksik nito, magandang destinasyon kapalit ng hirap na pinundar mo at tyaga na ginawa mo... doon doon mo lang mapagtatanto na sa kabila ng hirap ay may tagumpay... wag kang magsawa ng gumawa ng kabutihan... wag kang magsawa na patuloy mong harapin ang mga unos at dagyos ng buhay dahil ito’y isang ingredients sa masarap na buhay na darating sa atin... kapalaran o kapalaran ano ang naghihintay...  paano kita tunay na masisilayan...