Isinulat ko ang tulang ito isang taon na ang nakaraan at muli ko syang natagpuan
Kaya't muling isasaysay, sa mambabasa'y may kapulutan
Itong pangyayari sa aking buhay na hindi dapat pagsisihan
the Lord has done great things and we rejoice... Psalms 126:3
Pagpupuri, pagdakila sa Diyos na mapagpala
Pagsamba, pagluwalhati, aking laging itatangi
Pasasalamat na mabuti, isasaysay iyong pagkandili
Mapapurihan at maitaas, Banal mong Pangalan hanggang wakas
Mula ng ako'y umuwi, galing sa Bansang Qatar
Mga plano ng Diyos sa akin hindi ko pa alam
Nakaranas ng matagal, trabahong hinihintay
Paghihintay, paghihintay hanggang kelan magtatagal
Mula Oktubre 2009, hanggang Agosto ng taong kasalukuyan
Maraming karanasan, aking napagdaanan
Nag-aaral ng kung ano-ano, dagdag kaalaman
Pinasok ang Edukasyon mga training na laan
Matapos ang summer class, trabaho sa Dubai'y nagbukas
Inayos mga papeles, excited na muling lumabas
Paghihintay sa kainipan, meron palang dahilan
Isang bagong oportunidad, na wala sa aking hinagap
Di' ko sukat akalain, Diyos ko'y may tanging hain
Isang kakaibang trabaho ang maglibot ng mundo
Ngunit kailangang makapasa sa interview ng kumpanya
Mula sa Scotland, English ko'y muling susubukan
Dumating ang araw, tatlo kaming isasaklang
Mga bigating aplikante, kailanga'y maging diskarte
Ngunit walang imposible, sa Diyos na mabuti
Alam nya kung kanino ibibigay ang trabaho
Panibagong simula, panibagong kabanata
Mula sa panlupa, sa karagatan naman magsisimula
Mula sa Asia, Middle East at Europa
Napuntahan ang South America, isasaysay kadakilaan nya
Sa mga bansang napuntahan, dala-dala'y kagalakan
Mga kakaibang karanasan, sabi nga'y pang mayaman lamang
Mga Five Star hotel na pinasukan, mga lugar ginalaan
Nasa tanang aking buhay, hindi ko pa naranasan
Ang mga nais ng puso ko, at mga panalangin ko
na malibot ang mundo ay unti-unti ngang pinagkakaloob mo
Pananangan sa iyong kapangyarihan, paghihintay ay kailangan
Sa tamang panaho'y ibibigay, kung lagi nga sa 'yo mananangan
Sa kabila ng tagumpay at mga pagpapalang taglay
Problema sa buhay aking naranasan
Mga plano ng Diyos sa akin di ko dapat madaliin
Pag-aasawa'y di biro at hindi dapat nilalaro
Humihingi ng kapatawaran ang mga naging pagkukulang
Mga pansariling nais ang resulta'y nakakainis
Nawala sa ministeryo upang aking mapagtanto
Katulad ni Apostol Pablo, iyon pala ang iyong plano?
Kaya't sa aking pag-iisa ay iyo ngang ipinakita
Walang problemang mararanasan, kung ikaw ay laging titingnan
Hindi pa huli ang lahat, problema sa iyo ay iniiyak
Maging maayos ang lahat at kaligayaha'y maging ganap
Inihingi ng tawad sa 'yo unang isiniwalat
Pagkakamali'y pwedeng ayusin hangga't maaga'y gawin
Akin na ngang inihayag sa balana ay nag-ulat
Desisyong aking ginawa, hiling ko'y pang-unawa
Tuna'y ngang kay Dakila, pagpapatawad mong gantingpala
Sa kabila ng nagawa, trabaho ko'y iyong pinagpala
Pangako mo sa akin, sa Genesis 12 aking ididiin
"Ang sa iyo'y magpala ay akin ding pagpapalain"
Kaya naman sa aking tinatangkilik, ika-sampung bahagi'y ibabalik
Patuloy mong palaguin, kaban ng yama'y punuin
Maging daluyan ng pagpapala at makatulong sa kapwa
Maging mabuting katiwala, sa binigay mong pagpapala
Kayo'y aking hinahamon, kaya nyo ring gawin
Bigyan ka ng sampung libo, isang-daan ipagkaloob mo
Maliit pa lang ang perang iyon at kung kaya pa natin
Bigyan ka ng limang libo, limang daan ang ibigay mo
Kung mananatili tayong tapat, hindi lang 'yon sapat
bibigyan ka ng limampung libo - limang libo ang ipagkaloob mo
Paano kung isang daang-libo at kalahating milyon ang dumating sa 'yo
Kaya mo pa bang ibigay para sa Diyos mo?
- Pablo Paraiso
- Leith, Edinburgh, United Kingdom
- isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more
No comments:
Post a Comment