Noong ako ay bata pa, aking naaalala
Sa damuhan sa bukid, naglalaro sa twina
Maraming pangyayaring, sa isip naglipana
Walang problemang nadarama, sa kinagisnang probinsya
Pagkatapos ng anihan, sa pilapil nagtatakbuhan
Nagpapalipad ng saranggola, nagpapataasang sama-sama
Mga dayaming pinagkiskisan, aming ginagawang unan
Mga hinuha't, kaisipa'y, bawa't isa'y may laan
Sa gabi ng kasikatan, nitong malaking buwan
Naglalaro ng taguan, sa huni ng kulisap ay nagkakatakutan
Darating si Ingkong Lelong, at kami'y mag uumpukan
Magkwe kwento ng ano-ano, at tatakutin sa maligno
Sa aming pag-aaral, sa elementarya ng bayan
Natutong sumulat, nalaman ang panitikan
Masayang nag-aaral, maraming nalalaman
Sa silid-aklatan, na punong punong ng karunungan
Salamat sa pamahalaan, sa kanilang kagawaran
Edukasyong kailangan, ng bawat mag-aaral
Mga gurong nagtitiyaga, nagtitiis na kusa
Larawan ng kabayanihan, sa kanilang pagsisikhay
Sa damuhan, sa damuhan, ala-ala ng kabataan
Nagpipiknik, nagkakainan, handa ay mga gulay
Galunggong na isda, pinirito't may suka
Sarap ng aming kainan, sa dahong saging sa damuhan
Bagsik ng Panitik - A Munting Pakulo Literary Contest ~ Damuhan
- Pablo Paraiso
- Leith, Edinburgh, United Kingdom
- isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more
omegad ang galing! kainis. lol. chos lang.
ReplyDeletesir pakikomento po ulit ng entry nyo sa ganitong format
ReplyDeletePangalan o Alias:
Blog Name at URL:
Link ng inyong Entry
maraming salamat po
ang galing!
ReplyDeletesalamat po sa pagsali :)
ReplyDeletethanks sa mga nag likes... maraming salamat po!
ReplyDeletewow ha.... ang ganda....
ReplyDeletesalamat mga giliw at masugid kong mambabasa
ReplyDeleteat iyong nagustuhang tulang kay inam
kayo'y isang inspirasyon upang kami'y magpatuloy
sa pag gawa ng tula, mga kwento't salaysay!
Bow! hehe
tila nanumbalik sa aking alaala ang aking kabataan dahil sa sinulat mong ito...tunay nga na masarap maglaro sa kaparangan,sa damuhan,at damhin ang ligay ng kamusmusan,
ReplyDeleteMagaling!Goodluck para dito! :)
you already pablo... sadyang ikaw nga ay makata...
ReplyDeletematagumpay ang paglalahat ng hinihining salita!goodluck sir!
ReplyDeletethanks sir.
DeleteAng husay, napakasarap basahin, ang gaan ng daloy ng istorya...
ReplyDeletenagreminisce ako habang binabasa ang tula mo .. may puso.
ReplyDeletegudlak :)
marami pong salamat Palomah and bagotilyo at inyong nagustuhan
ReplyDeletetulang nagmula noon pang kabataan...
Ito ang uri ng tula na pwedeng ilimbag para sa mga bata ngayon.
ReplyDelete'Yong kapayakan ng lugar sa isang probinsya na hindi naman matatawaran ang dulot na ligaya dahil ang mga panahong iyon ay walang kapantay na saya. Mga alaala ng kamusmusan na binabalik-balikan.
Mahusay na mahusay po Sir Pablo.
maraming salamat po kuya!
Deletegood luck syo yey napadaan lang po!
ReplyDeletenamiss ko tuloy ang galunggong.. nice work.. good luck sa contest ;)
ReplyDeletethanks McRich and ARDEE
ReplyDeleteda best to sir.. galing!
ReplyDeletethanks bro!
Deleteastig! ^^ nakarelate ako! salamat po sa pagsali at sa pagbahagi!
ReplyDeleteNagbasa. Humusga. Nagbalik mga alaala sa aking paaralang elemantarya.
ReplyDeleteIsang pagpupugay.
ReplyDeletehello! available na po yung badge para sa Top 10 finalist ng bagsik ng panitik http://www.damuhan.com/2012/05/sa-ngalan-ng-panitikan-bagsik-ng.html
ReplyDeleteIsang tula na simple at maganda ang daloy, pwedeng ilathala sa mga librong teksto na maaring mabasa ng ibang kabataan sa darating na panahon,...
ReplyDeleteGood job. Nice post.
ReplyDeleteGood job. Nice entry.
ReplyDelete