My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Friday, 11 May 2012

PARA SA MAHAL KONG INAY - Esperanza P. Paraiso


Sa dakilang araw, para sa aking mahal na Inay
Pagpapala ng Dios muli mong makamtan
Sa aming pagdiriwang, Ikaw tanging Inay
Na syang nagdugtong ng buhay, nag-aruga’t nagmahal.

Aking natandaan, nuong ako’y maliit pa lamang
Kasa-kasama ni Inay, sa palengke ng bayan
Maagang gumising, sa paghahanapbuhay ay kailangan
Sa pagluluto at pagtitinda, para sa aming pamilya

Hirap man ng buhay, pilit kaming iginapang
Makatapos ng pag-aaral, dalangin nya sa maykapal
Hindi sya tumitigil, patuloy na nakikipaglaban
Maisalba ang pamilya, maski sakit di alintana

Hirap na aming naranasan, Pangarap ang naging daan
Nagtaguyod ako sa pag-aaral, sa trabaho’y nagsikhay
Gusto kong maranasan ang pangarap ko sa magulang
Magkaroon ng magandang bahay, masaganang buhay maranasan

Kung ano nga ang iyong itinanim, iyon nga ang aanihin
Nagtyaga ka sa mga anak mo, pagpapala ay nakamtan mo
Nagkaroon ka man ng sakit, kamay ng Dios ang nag-alis
Kalakasan muling ibinigay, sa sakit ay nagtagumpay

Nakakalungkot mang isipin, ng si Itay ay kunin
Pangarap ko sa inyong bahay hindi nya nasilayan
Ngunit alam kong masaya sya, sa kanyang nakikita
Nakarating ka sa America, anak at apo mo’y nakasama

Daig mo pa sina ate, si Revy, BJ at Elsa
Nakasakay ka na ng eroplano, nakarating sa kabilang mundo
Marami ka pang mararanasan, kasaganaan sa buhay
Dalangin ko sa maykapal, patuloy na kalakasan

Patuloy akong nagpapasalamat, sa biyayang natanggap
Sa Dios na laging nagpapala’t sa pamilya ko’y nag-iingat
Marami pang taong dumating, sa Inay kong giliw
Sa araw na pagdiriwang, ika’y lagi sa aming isipan


1 comment: