SA AMING MGA MAGULANG – ANG DAKILANG NANAY
Mula sa sinapupunan, kami’y inalagaan
Siyam na buwang nagtiis, sa loob palang kami’y makukulit
Kahit siya’y nahihirapan, nakita na agad ang pagmamahal
Hanggang sa aming paglabas, kandili mo’y di matatawaran
Sa bawat pag-iyak namin, ikaw ay naririyan
Laging nakatuon, sa bawat sandali ng panahon
Hindi mo ipinagkait, lahat ay ibinigay
Sa aming paglaki’y patuloy mong inalagaan
Hindi ka naging maramot, napakabait at masinop
Pilit mong itataguyod, hirap man ay kasunod
Kung para sa aming kinabukasan, kahit magkanda-utang
utang
Basta’t makita mo lamang maging maayos aming pamumuhay
Sino nga bang Ina, ang hindi nagdusa?
Gagawin ang lahat, kung ito’y para sa kanyang anak
Kahit sa ating kamalian, pilit nilang pinagtatakpan
Wag ka lang masaktan, kahit buhay nila’y laan
Hindi nga matatawaran, hindi kayang bayaran
Mga pagpapagal at lakas na iyo ngang ibinibigay
Mga problemang dumarating, kabi-kabilang suliranin
Pilit mong itinatago, ni hindi ka sumusuko
Sa iyong tungkulin sa buhay, bakit gayon na lamang
Hindi kayang sukatin, ni hindi kayang bilhin
Lahat ng katangian na kailangan ng buhay
Pagtitiis, pagtyatyaga, pagmamahal, paghihirap at
pagkalinga
Sa bawat yugto ng aming mga buhay
Aming alalahanin, pagpapakasakit mo sa amin
Ako nga’y humihiling sa aking mga giliw
Mahalin natin at kalingain itong dakilang Nanay natin
O Inay, Aming butihing Nanay
Salamat , maraming salamat sa iyong pagmamahal
Ito’y dakilang araw na aming laan
Upang ika’y dakilain at aming papurihin
Kaya’t aking dalangin, Buhay mo ay pagpalain
Pag-iingat ng Diyos, patnubayan ka ng lubos
Maraming taon pa, na ika’y aming makasama
Kalakasan, karunungan, iyo na ngang makamtan
MALIGAYANG ARAW NG MGA DAKILANG MAGULANG – AMING NANAY!
maganda ang poem.
ReplyDelete