My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Saturday, 16 June 2012

AMA NG TAHANAN


Ama ng Tahanan – haligi ng sambahayan
Ika’y aming pararangalan sa iyong pagpapagal
Lakas ay ginagamit, upang iyong makamit
Pangangailangan ng Pamilya, sa kahirapan ay maisalba

Lagi mong nasa isip kinabukasan ng pamilya
Gagawin ang lahat, sa trabaho’y magsisikap
Di mo nga alintana, hirap na dinaranas
Para sa ming kinabukasan, lahat ay babatahin

Ika’y may angking talino, bigay ng Dios sa ‘yo
Sa mga pagdedesisyon, pananagutan at konsultasyon
Nakalaan ang iyong oras sa iyong mga anak
Nakikipaglaro, nagkukwentuhan, masayang pagsasamahan

Kung dumating man ang problema, sa loob ng pamilya
Nagiging matatag ka, takot ay di pinapakita
Mahinahong mong iisipin, ang tama at dapat na gawin
Bilang sandigan ng tahanan, ama naming pinakamamahal

Isa ka ngang huwaran na dapat naming sundan
Sa iba ngang anak, “Idol” ang tawag
Salamat sa pagmamahal, salamat sa pagbibigay
Ng aming pangangailangan, sa bawat panahon at araw

Pagpalain ka ngang tunay nitong ating Maykapal
Patnubayan ka nawa, sa lahat ng iyong ginagawa
Marami pang buhay at kalakasan, na iyong maranasan
Sa pagsasama natin tungo sa tagumpay!

Maligayang Araw ng mga Ama ng Tahanan.

No comments:

Post a Comment