My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Thursday, 3 November 2011

Pasko ng OFW

 
Pasko na naman, ang mga OFW ay mag uuwian
Upang makapiling, kanilang mahal sa buhay
Maraming mga pasalubong, sa kanila ay laan
Pabango, laruan, at ibat-ibang gamit sa bahay
Inyo ngang makikita, mababanaag sa kanilang mata
May tuwa at saya at may sobrang excited pa
Ito nga ang panahon na kung saan nagtitipon
Ang Tatay, Nanay, si Ate at Kuya pati si Lolo at Lola

Anong tuwa’t anong saya, pagdating sa NAIA
Umaatikabong palakpakan sa eroplano’y naghihiyawan
Hindi mo maikakaila, ang kasayahan ng Madla
Problema ma’y dumating sa Pasko’y walang makakapigil

At sa terminal ng NAIA, pasko nga ay mababanaag na
May bandang naghihintay, awit ng Paskoy nagsasalimbayan
At sa iyong paglabas, ang mga mata mo’y naghahahanap
Pamilyang kumakaway sa dako pa roo’y naghihintay

Kumpleto na naman ang pamilya, sa ganitong okasyong masaya
Naghahanda para sa Noche Buena, masasarap na pagkai’y dala
Pagbibigayan ng regalo ang susunod na eksena
Bukas dito bukas doon, may monito-monita pa

Ngunit huwag nating kalilimutan, ang Mensahe ng Kapaskuhan
Kapanganakan ni Hesus doon sa abang sabsaban
Ipinadala ng Dios Ama upang atin ngang makita
Pagmamahal sa balana, sa Krus ay nagdusa

Pagbibigayan at pagmamahalan sa OFW ay kakitaan
Hindi lang pera-pera ang maging hangad sa twina
Pagtulong sa kapwa, sa mga nangangailangan ay handa ka
Upang lalo mong makamtan, Pasko ng puso’y anong yaman

No comments:

Post a Comment