by Nepthali Paraiso 19/6/2011
Isang bagay ang aking nakita, na hindi maganda
Magbiro sa twina, ngunit nakakasakit na pala
Hindi ko kasi alintana, at akala ko ay Masaya
Hindi pala lahat ng tao, kumakagatsa biro mo
Kaya’t ang aking bibitawan, patawad sa tanan
Hiling kong kapatawaran, iyong pakinggan
Hindi na uulitin sa mga taong nasasaktan
Hangad ko ay kapayapaan tayo ay magkaunawaan
Kayo’y aking mga kaibigan, dito sa ibang bayan
Wag po tayong mag-aaway kundi laging magtulungan
At kung may nasabi mang di magandang nabitawan
Inyo nga po akong sabihan at ng aking malaman
Hindi mawawala, minsan tayong makapagsalita
Mga nabitawang nasabi, akala nati’y tama
At sa pagtalikod natin di mo alintana
Galit ng damdamin, sa kapwa mo’y nag-iigting
Mabuting pakikisama, hangad ko sa twina
Walang inggitan, magandang pagtitinginan
Malayo man tayo sa bansang pinanggalingan
Iisa pa ring pamilya, nagtutulungan, nagkakaisa
No comments:
Post a Comment