By Nepthali Paraiso
Sa aming paglalayag sa malayong dagat
Parang nangawala mga tao sa barko
Dahil ba sa lakas, ng along sumasambulat
Lumabas ng Scotland, panaho’y ‘di kay inam
At sa pagdating ng lugar, agad masimulan
Kaya naman lahat kami’y, animo’y nagkasakit
Nagsusuka, nahihilo, nagtulog sa kanya kanyang kwarto
Kaya’t inyong mapapapansin sa messhall namin
Sobrang daming pagkain, kakonti lang ng kumain
Garlic bread at spaghetti na aking kinain
Sa kinahapunan ay isinuka rin
Buti pa ang iba’y may panahong umidlip
Di ko naman maiwanan, itong opisinang pinagbilinan
Maging ang aking kwarto, ngayo’y may kasama na ako
Siyang natutulog at panggabi sa trabaho
Hindi na ko kumain, ng gabing iyon
Di mapalagay, hirap ang katawan
Kailangan ng lakas, kailangang lumaban
Kumain ng biscuit, konting ubas at tubig
Kaya’t ako’y dumalangin, kami’y pagpalain
Gabay at kalakasan, sa kinabukasan ay taglay
Panahon ay maging maayos, maging ang karagatan
Matapos ang proyekto ng walang peligro
No comments:
Post a Comment