My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Thursday, 19 September 2013

TULAD MO RI'Y ALON...

By Nepthali Paraiso 19-Sept-13




Ano nga bang pinagdadaanan, sa alon bay nagsasalinbayan
mga pangarap at kapighatian na aking nararanasan
Saan nga ba hahantong at kailan ka hihinahon
Ang karanasan na narararamdaman sa alon bay naroon?

Pangarap na gustong maabot, kapalit ang dusa't poot;
mga karanasang dulot, sa pagtatrabaho sa laot;
Kailan mo aalisin, itong mga homesick namin;
Salamat sa kaibigang, kahit sa malayo'y nariyan;

Salamat din sa kalakasan, Dios ang syang nagbibigay;
Para sa aming kinabukasan, kailangang naming paglabanan
Itong ganitong mga bagay, sa mga marino'y tiis tiis lang;
At sa aming pagbabalik, kaligayahan sa mahal sa buhay.

Ang inyo ngang nararamdaman, sa puso nami’y nariyan
Kaya kaming mga makata, sa panulat ay lalathala;
Ano nga ba ang nanaisin, na kayo'y bigyan ng pansin;
Dito na lang nating dadaanin, mga karanasang sasapitin

Bakit nga ba dumadating, mga ganitong damdamin
Pwede bang sa kasayahan at puro na lang tawanan
At sa pagsapit ng dilim, kapalit ay kalungkutan
Kailan mo kami tatantanan, kami’y iyong kalimutan

At sa pagsapit ng kinaumagahan, muli na naman sisilayan
Hahanapin at hahanapin itong aking mga kaibigan
Wag na sanang matapos ang ganitong kalagayan

Na syang nagpapasaya sa min, kahit panandalian lamang

Saturday, 14 September 2013

SA MGA BAGO KONG KAIBIGAN







 by Nepthali Paraiso 14-Sept13 1:30pm

Ang mga bago kong kaibigan sa crewtoo nagkakilanlan
Masasayang tawanan at maraming kulitan
Si itlog, ampalaya, kamatis, asin at may sabaw pa
Naluto ang ulam sa matamis na pagsasamahan

Mga puntos na nakukuha aba silay nagtatagisan na
Nag-uunahan sa pagsulong, naging popular na tuloy
Di man maka abante walang sawa sa pag responde
Ma mi miss mo tuloy ang grupo pag nawala sa sirkulasyon

May kanya kanyang pinagmulan, ibat ibang lugar na pinanggalingan
Ibat ibang antas ng pinag aralan, edad ay hindi hadlang
Mga plano sana’y matuloy, pagkakaisa’y aking hinahamon
Upang sa paglayag at maging alon, nakatayo pa rin at sumusulong

Natutuwa ako sa mga taong ito na ngayon ay parang isang grupo
At sa darating na araw, kami’y magkikita’t lubusang magkakakilanlan
Wag na sanang maging hadlang ang pera o hirap man
Ang sabi nga’y may paraan kung gusto at kailangan

Hangad ko sa mga taong ito na pag-aaral ay magsikhay
Na tulad din namin marating nila ang tagumpay
Sa umpisa ay talagang mahirap, tyaga tiis lang ang kailangan
Upang sa darating na buhay, makamtan mo ang yong pinaghirapan





Thursday, 25 July 2013

SA AKING KAARAWAN

By Nepthali P. Paraiso, 7-25-13 6:20pm

Isa na namang taon ang nadagdag sa edad
At nagpapasalamat sa Diyos na Dakila’t tapat
Taglay ang kalakasan at kasayahan
Sa patuloy Nyang pagpapatnubay

Maraming pagbati ang aking ngang natanggap
Mula sa mga kaibigang patuloy na nakaaalala
Hindi ko man mabuksan ang Facebook sa twina
Dahil hindi nga allowed dito sa opisina

Kay Ate Malou Roa at Kay Nancy De Guia
Kay Marvin, Kay Laluna at sa iba pa
Maraming Salamat sa mga pagbati
Tunay na ako’y talagang napapangiti

Hindi ko man mabanggit ang iyong mga pangalan
Ang hirap kasing tumula’t “mag rhyme”
Taos pusong pasasalamat sa inyong lahat
Pagpapalain din kayo’t patnubayan ng Maykapal

Maraming handaan dito sa hapag kainan
Na kung saan “Eat all You Can” ika’y masisiyahan
Masasarap na pagkain o kay talagang kay inam
Maraming mga prutas  at ikaw ay lalakas

Ang akin ngang imbitado ang lahat ng empleado
Ang kabuuang bilang “Isang daan at animnapu”
Lahat ay natutuwa, lahat ay nasasarapan
Sa mga nakahaing pagkain dito sa aming dulang

Malayo man sa mahal sa buhay o kay saya pa ring tunay
Kahit saan makarating pagpapala ng Diyos ay darating
Salamat, salamat Panginoon sa araw ng kapanganakan
Pagpapalang dulot akin ngang nakamtan


Wednesday, 24 July 2013

MGA KAIBIGAN SA TRABAHONG LAAN

By Nepthali Paraiso 24-July-13, 16:20pm

Sa bagong trabahong aking napasukan
Dito sa Asia, lugar ng Myanmar
Mabubuting tao aking naging kaibigan
Karamiha’y Pilipino kay saya ngang tunay

Mabuting pakikisama kailangay laan
Upang magkaroon ng magandang pagsasamahan
Maging totoo sa bawat tinuran
Upang magtagal ang pagkakaibigan

Di mo man lahat ay maging kaibigan
Dahil ibat-iba nga ang ugaling pinagmulan
Hindi naman lahat ika’y magugustuhan
May mga tao nga kasing ayaw mataasan

Kaya’t aking dalangin ang mabuting asal
Magpakatotoo sa lahat at walang kaplastikan
Gawin ang tama at trabahong dapat
Upang magkaroon ng pagsasamang maluwat

Dito sa trabaho may isang kababaihan
Ang sabi nga nila, pinaka magandang dalaga
Dahil nga nag-iisa kaya’t espesyal ang turing nila
Kaibigang matalik ang turing ko sa kanya

Lalunalyn ang pangalan ng babaing tinuran
Isang taga plano ng mga gawain sa trabaho
Laging kasama sa oras ng kainan
Maging sa merienda, at mga tumpukan

Pagkatapos ng trabaho, kamiy nagkakatahan
Minsan namay nagsasayawan at sa gym ay nagpapalakasan
Mga problema at suliranin na kanyang nararanasan
Pakikinig at Payo, opinion ko ma’y pinakikinggan

Marami pang kaibigan dito sa aking pinagtatrabahuhan
Sila’y may kanya kanyang buhay na aking nalaman
Masarap pakinggan at ibat ibang tagumpay
Tunay ngang magtagal pa ang aming pagsasamahan



AKING DALANGIN

By Nepthali Paraiso created 24-July-2013 15:40pm

Diyos na makapangyarihan, akin kitang pinasasalamatan
Sa panibagong buhay na iyong inilaan
Salamat sa pag-iingat sa buong magdamag
At sa panibagong araw na aming kinagisnan

Patawarin mo nga kami sa aming mga kasalanan
Mga bagay na hindi naging mabuti sa iyong harapan
Linisin mo nga kami ng iyong kapangyarihan
Upang kami’y maging karapat-dapat sa iyong paanan

Tulungan mo nga kami sa aming mga gawain
Ang Inyo ngang katalinuhan sa amin ay maibigay
Upang malaman ang tama at kamalian
Upang mailayo sa kasamaan at gawa ng kaaway

Inyo kaming patnubayan sa aming mga lalakaran
Ang Iyong subaybay ay aming maranasan
Palaso ng kaaway ay aming mapagtagumpayan
Upang sa pagtatapos ng araw kami ay Tagumpay

Sa aming mga mahal sa buhay na naiwan sa aming bahay
Kayo nga ang pumatnubay  magbigay sa kanila ng kalakasan
Inyo rin nga silang ilayo sa mga gawa ng kaaway
At kanilang maranasan ang tunay Nyong kapangyarihan

Patuloy mo ngang pagpapalain ang aming hanapbuhay
Itong mga kumpanyang aming pinapasukan
Patuloy mo silang pagpapalain at kami rin ay maginhawaan
At magpatuloy ang magandang  pagpapala sa kinabukasan

Sa aming mga kasama dito sa hanapbuhay
Dalangin namin ang pagsasama kalakip ang pagtutulungan
Kahit ibat-iba ang bansang pinagmulan
May pagkakaisa at kami’y nagkaka intindihan

Salamat o Dios sa lahat lahat ng bagay
Karapat dapat lang na ika’y pasalamatan
Hindi man namin masambit sa araw araw
Ikaw pa rin ang Aming Diyos na sasambahin  magpakailanman


Sunday, 23 June 2013

PAG-UWI

Dalawang tulog na lang ikay aking masisilayan.
Bansa kong minulatan Perlas ng Silanganan.
Dalawamput walong araw, sa gitna ng karagatan.
Kay sarap muling balikan bansang pinagmulan.

Bakit nga ba binabalik balikan, kay hirap na bayan
Sa bansang pinanggalingan, trabaho’y kay gaan
Ano nga ba ang meron ka at laging na mi miss ka
Ang masayang pamilya, kaibigan at mga kasama

There’s no place like home ang sabi nga nila
Kahit mahirap basta sama-sama ang pamilya
Kahit nga magutom pa, basta’t intact ang bawat isa
Tulong tulong at pagkakaisa ito ay sumasapat na

Kung bakit nga ba naghahanap, ng mas malalaking kita
Ito ay dahil sa pangarap , mapaganda ang buhay pamilya
Sa mga nagsisipagsapalaran, hindi lahat ay maganda
Ibat-ibang karanasan, maririnig mo sa kanila

Itong aking kaibigan matagal na sa ibang bayan
Naiwang pamilya, hindi marunong humawak ng pera
Astang milyonarya, walang pakialam kung gumasta
Akala mo nama’y trabaho ng asawa ay magpulot lang ng pera

Ngunit hindi lahat nga ng karanasa’y tulad nila
Meron namang pamilya, magaling pagdating sa pera
Pinagtutuunan ng pansin ang pangangailangan nila
Ng sa kinabukasa’y , may natitira pa.

Kaya’t aking hiling sa mga ahensya, sa PDOS pa lang ay magawa na
Mga patungkol sa pamumuhunan, kinitang peray may paglagakan
Ng sa kinabukasan ay kanilang makita na may perang naitabi
Sa mga biglang pangangailangan ay mayroong makukuha

Edukasyon nga ang kailangan sa mga nagtatrabahong baguhan
Na hindi lang panghabang panahon na ikaw ay namamasukan
Kaya’t ang pag-iimpok ay tunay nating kailangan
Mag invest at magtabi ng pera upang sa kinabukasan ay may makukuha


PAGHIHINTAY

O Dios ika’y aking papupurihan
Sa bawat sandali ng aking buhay
Tunay na napakabuti mo, sa mga tumatawag sa Yo
Sa aming paghihintay, ay may tanging laan

Minsan di namin maarok, ang mga plano mo
Naiinip at nababagot sa mga sagot mo
At tunay nga sa tamang panahon
Doon namin malalaman, ang sagot mong pagkainam-inam

Tunay na ika’y dapat pasalamatan
At aming ipahayag ang iyong kabutihan
At sa mga taong naguguluhan
Ikaw ay dapat nilang, makilalang lubusan

Ipahahayag at sasambitin nitong aming mga labi
Ang tunay na kabutihan at ang Iyong kadakilaan
Sa mga pangyayari at karanasan nitong aming buhay

Sa ‘Yo lang natagpuan ang tunay na kapayapaan