My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Sunday, 23 June 2013

PAG-UWI

Dalawang tulog na lang ikay aking masisilayan.
Bansa kong minulatan Perlas ng Silanganan.
Dalawamput walong araw, sa gitna ng karagatan.
Kay sarap muling balikan bansang pinagmulan.

Bakit nga ba binabalik balikan, kay hirap na bayan
Sa bansang pinanggalingan, trabaho’y kay gaan
Ano nga ba ang meron ka at laging na mi miss ka
Ang masayang pamilya, kaibigan at mga kasama

There’s no place like home ang sabi nga nila
Kahit mahirap basta sama-sama ang pamilya
Kahit nga magutom pa, basta’t intact ang bawat isa
Tulong tulong at pagkakaisa ito ay sumasapat na

Kung bakit nga ba naghahanap, ng mas malalaking kita
Ito ay dahil sa pangarap , mapaganda ang buhay pamilya
Sa mga nagsisipagsapalaran, hindi lahat ay maganda
Ibat-ibang karanasan, maririnig mo sa kanila

Itong aking kaibigan matagal na sa ibang bayan
Naiwang pamilya, hindi marunong humawak ng pera
Astang milyonarya, walang pakialam kung gumasta
Akala mo nama’y trabaho ng asawa ay magpulot lang ng pera

Ngunit hindi lahat nga ng karanasa’y tulad nila
Meron namang pamilya, magaling pagdating sa pera
Pinagtutuunan ng pansin ang pangangailangan nila
Ng sa kinabukasa’y , may natitira pa.

Kaya’t aking hiling sa mga ahensya, sa PDOS pa lang ay magawa na
Mga patungkol sa pamumuhunan, kinitang peray may paglagakan
Ng sa kinabukasan ay kanilang makita na may perang naitabi
Sa mga biglang pangangailangan ay mayroong makukuha

Edukasyon nga ang kailangan sa mga nagtatrabahong baguhan
Na hindi lang panghabang panahon na ikaw ay namamasukan
Kaya’t ang pag-iimpok ay tunay nating kailangan
Mag invest at magtabi ng pera upang sa kinabukasan ay may makukuha


No comments:

Post a Comment