My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Wednesday, 24 July 2013

AKING DALANGIN

By Nepthali Paraiso created 24-July-2013 15:40pm

Diyos na makapangyarihan, akin kitang pinasasalamatan
Sa panibagong buhay na iyong inilaan
Salamat sa pag-iingat sa buong magdamag
At sa panibagong araw na aming kinagisnan

Patawarin mo nga kami sa aming mga kasalanan
Mga bagay na hindi naging mabuti sa iyong harapan
Linisin mo nga kami ng iyong kapangyarihan
Upang kami’y maging karapat-dapat sa iyong paanan

Tulungan mo nga kami sa aming mga gawain
Ang Inyo ngang katalinuhan sa amin ay maibigay
Upang malaman ang tama at kamalian
Upang mailayo sa kasamaan at gawa ng kaaway

Inyo kaming patnubayan sa aming mga lalakaran
Ang Iyong subaybay ay aming maranasan
Palaso ng kaaway ay aming mapagtagumpayan
Upang sa pagtatapos ng araw kami ay Tagumpay

Sa aming mga mahal sa buhay na naiwan sa aming bahay
Kayo nga ang pumatnubay  magbigay sa kanila ng kalakasan
Inyo rin nga silang ilayo sa mga gawa ng kaaway
At kanilang maranasan ang tunay Nyong kapangyarihan

Patuloy mo ngang pagpapalain ang aming hanapbuhay
Itong mga kumpanyang aming pinapasukan
Patuloy mo silang pagpapalain at kami rin ay maginhawaan
At magpatuloy ang magandang  pagpapala sa kinabukasan

Sa aming mga kasama dito sa hanapbuhay
Dalangin namin ang pagsasama kalakip ang pagtutulungan
Kahit ibat-iba ang bansang pinagmulan
May pagkakaisa at kami’y nagkaka intindihan

Salamat o Dios sa lahat lahat ng bagay
Karapat dapat lang na ika’y pasalamatan
Hindi man namin masambit sa araw araw
Ikaw pa rin ang Aming Diyos na sasambahin  magpakailanman


No comments:

Post a Comment