By Nepthali Paraiso 19-Sept-13
mga
pangarap at kapighatian na aking nararanasan
Saan
nga ba hahantong at kailan ka hihinahon
Ang
karanasan na narararamdaman sa alon bay naroon?
Pangarap
na gustong maabot, kapalit ang dusa't poot;
mga
karanasang dulot, sa pagtatrabaho sa laot;
Kailan
mo aalisin, itong mga homesick namin;
Salamat
sa kaibigang, kahit sa malayo'y nariyan;
Salamat
din sa kalakasan, Dios ang syang nagbibigay;
Para sa
aming kinabukasan, kailangang naming paglabanan
Itong
ganitong mga bagay, sa mga marino'y tiis tiis lang;
At sa
aming pagbabalik, kaligayahan sa mahal sa buhay.
Ang
inyo ngang nararamdaman, sa puso nami’y nariyan
Kaya kaming
mga makata, sa panulat ay lalathala;
Ano nga
ba ang nanaisin, na kayo'y bigyan ng pansin;
Dito na
lang nating dadaanin, mga karanasang sasapitin
Bakit nga ba dumadating,
mga ganitong damdamin
Pwede bang sa kasayahan at
puro na lang tawanan
At sa pagsapit ng dilim,
kapalit ay kalungkutan
Kailan mo kami tatantanan,
kami’y iyong kalimutan
At sa pagsapit ng
kinaumagahan, muli na naman sisilayan
Hahanapin at hahanapin
itong aking mga kaibigan
Wag na sanang matapos ang
ganitong kalagayan
Na syang nagpapasaya sa
min, kahit panandalian lamang
No comments:
Post a Comment