by Nepthali Paraiso 14-Sept13 1:30pm
Ang mga bago kong kaibigan sa crewtoo nagkakilanlan
Masasayang tawanan at maraming kulitan
Si itlog, ampalaya, kamatis, asin at may sabaw pa
Naluto ang ulam sa matamis na pagsasamahan
Mga puntos na nakukuha aba silay nagtatagisan na
Nag-uunahan sa pagsulong, naging popular na tuloy
Di man maka abante walang sawa sa pag responde
Ma mi miss mo tuloy ang grupo pag nawala sa sirkulasyon
May kanya kanyang pinagmulan, ibat ibang lugar na
pinanggalingan
Ibat ibang antas ng pinag aralan, edad ay hindi hadlang
Mga plano sana’y matuloy, pagkakaisa’y aking hinahamon
Upang sa paglayag at maging alon, nakatayo pa rin at
sumusulong
Natutuwa ako sa mga taong ito na ngayon ay parang isang
grupo
At sa darating na araw, kami’y magkikita’t lubusang
magkakakilanlan
Wag na sanang maging hadlang ang pera o hirap man
Ang sabi nga’y may paraan kung gusto at kailangan
Hangad ko sa mga taong ito na pag-aaral ay magsikhay
Na tulad din namin marating nila ang tagumpay
Sa umpisa ay talagang mahirap, tyaga tiis lang ang
kailangan
Upang sa darating na buhay, makamtan mo ang yong
pinaghirapan
No comments:
Post a Comment