My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Saturday, 19 November 2011

The BEST OF THE YEAR 2010

Isinulat ko ang tulang ito isang taon na ang nakaraan at muli ko syang natagpuan
Kaya't muling isasaysay, sa mambabasa'y may kapulutan
Itong pangyayari sa aking buhay na hindi dapat pagsisihan


the Lord has done great things and we rejoice... Psalms 126:3


Pagpupuri, pagdakila sa Diyos na mapagpala
Pagsamba, pagluwalhati, aking laging itatangi
Pasasalamat na mabuti, isasaysay iyong pagkandili
Mapapurihan at maitaas, Banal mong Pangalan hanggang wakas

Mula ng ako'y umuwi, galing sa Bansang Qatar
Mga plano ng Diyos sa akin hindi ko pa alam
Nakaranas ng matagal, trabahong hinihintay
Paghihintay, paghihintay hanggang kelan magtatagal

Mula Oktubre 2009, hanggang Agosto ng taong kasalukuyan
Maraming karanasan, aking napagdaanan
Nag-aaral ng kung ano-ano, dagdag kaalaman
Pinasok ang Edukasyon mga training na laan

Matapos ang summer class, trabaho sa Dubai'y nagbukas
Inayos mga papeles, excited na muling lumabas
Paghihintay sa kainipan, meron palang dahilan
Isang bagong oportunidad, na wala sa aking hinagap

Di' ko sukat akalain, Diyos ko'y may tanging hain
Isang kakaibang trabaho ang maglibot ng mundo
Ngunit kailangang makapasa sa interview ng kumpanya
Mula sa Scotland, English ko'y muling susubukan

Dumating ang araw, tatlo kaming isasaklang
Mga bigating aplikante, kailanga'y maging diskarte
Ngunit walang imposible, sa Diyos na mabuti
Alam nya kung kanino ibibigay ang trabaho

Panibagong simula, panibagong kabanata
Mula sa panlupa, sa karagatan naman magsisimula
Mula sa Asia, Middle East at Europa
Napuntahan ang South America, isasaysay kadakilaan nya

Sa mga bansang napuntahan, dala-dala'y kagalakan
Mga kakaibang karanasan, sabi nga'y pang mayaman lamang
Mga Five Star hotel na pinasukan, mga lugar ginalaan
Nasa tanang aking buhay, hindi ko pa naranasan

Ang mga nais ng puso ko, at mga panalangin ko
na malibot ang mundo ay unti-unti ngang pinagkakaloob mo
Pananangan sa iyong kapangyarihan, paghihintay ay kailangan
Sa tamang panaho'y ibibigay, kung lagi nga sa 'yo mananangan

Sa kabila ng tagumpay at mga pagpapalang taglay
Problema sa buhay aking naranasan
Mga plano ng Diyos sa akin di ko dapat madaliin
Pag-aasawa'y di biro at hindi dapat nilalaro

Humihingi ng kapatawaran ang mga naging pagkukulang
Mga pansariling nais ang resulta'y nakakainis
Nawala sa ministeryo upang aking mapagtanto
Katulad ni Apostol Pablo, iyon pala ang iyong plano?

Kaya't sa aking pag-iisa ay iyo ngang ipinakita
Walang problemang mararanasan, kung ikaw ay laging titingnan
Hindi pa huli ang lahat, problema sa iyo ay iniiyak
Maging maayos ang lahat at kaligayaha'y maging ganap

Inihingi ng tawad sa 'yo unang isiniwalat
Pagkakamali'y pwedeng ayusin hangga't maaga'y gawin
Akin na ngang inihayag sa balana ay nag-ulat
Desisyong aking ginawa, hiling ko'y pang-unawa

Tuna'y ngang kay Dakila, pagpapatawad mong gantingpala
Sa kabila ng nagawa, trabaho ko'y iyong pinagpala
Pangako mo sa akin, sa Genesis 12 aking ididiin
"Ang sa iyo'y magpala ay akin ding pagpapalain"

Kaya naman sa aking tinatangkilik, ika-sampung bahagi'y ibabalik
Patuloy mong palaguin, kaban ng yama'y punuin
Maging daluyan ng pagpapala at makatulong sa kapwa
Maging mabuting katiwala, sa binigay mong pagpapala

Kayo'y aking hinahamon, kaya nyo ring gawin
Bigyan ka ng sampung libo, isang-daan ipagkaloob mo
Maliit pa lang ang perang iyon at kung kaya pa natin
Bigyan ka ng limang libo, limang daan ang ibigay mo

Kung mananatili tayong tapat, hindi lang 'yon sapat
bibigyan ka ng limampung libo - limang libo ang ipagkaloob mo
Paano kung isang daang-libo at kalahating milyon ang dumating sa 'yo
Kaya mo pa bang ibigay para sa Diyos mo?

Tuesday, 8 November 2011

Paalam na...


Sa aming paglisan dito sa United Kingdom
Sa huling pagsakay sa barkong sinasakyan
Ako’y naging mabunga, mapagpala’t masaya
Sa isang taong pagtatrabaho sa minamahal kong barko

Kaya’t ikaw ay lilisan, papuntang Gitnang Silangan
Sa bagong pamamahala, sa mga bagong mukha
Patuloy kang gamitin, sa kanila’y pagpapala rin
Dalawangpu’t pitong taong din, sa UK ika’y nagmagaling

Kaya’t kami’y magpapaalam na, muling babalik sa mga ahensya
Damdaming nadarama may lungkot at saya
Di mapigilan ang luha at ito’y pumapatak na
O Alliance, O Alliance, minahal ka namin sa twina

Thursday, 3 November 2011

Pasko ng OFW

 
Pasko na naman, ang mga OFW ay mag uuwian
Upang makapiling, kanilang mahal sa buhay
Maraming mga pasalubong, sa kanila ay laan
Pabango, laruan, at ibat-ibang gamit sa bahay
Inyo ngang makikita, mababanaag sa kanilang mata
May tuwa at saya at may sobrang excited pa
Ito nga ang panahon na kung saan nagtitipon
Ang Tatay, Nanay, si Ate at Kuya pati si Lolo at Lola

Anong tuwa’t anong saya, pagdating sa NAIA
Umaatikabong palakpakan sa eroplano’y naghihiyawan
Hindi mo maikakaila, ang kasayahan ng Madla
Problema ma’y dumating sa Pasko’y walang makakapigil

At sa terminal ng NAIA, pasko nga ay mababanaag na
May bandang naghihintay, awit ng Paskoy nagsasalimbayan
At sa iyong paglabas, ang mga mata mo’y naghahahanap
Pamilyang kumakaway sa dako pa roo’y naghihintay

Kumpleto na naman ang pamilya, sa ganitong okasyong masaya
Naghahanda para sa Noche Buena, masasarap na pagkai’y dala
Pagbibigayan ng regalo ang susunod na eksena
Bukas dito bukas doon, may monito-monita pa

Ngunit huwag nating kalilimutan, ang Mensahe ng Kapaskuhan
Kapanganakan ni Hesus doon sa abang sabsaban
Ipinadala ng Dios Ama upang atin ngang makita
Pagmamahal sa balana, sa Krus ay nagdusa

Pagbibigayan at pagmamahalan sa OFW ay kakitaan
Hindi lang pera-pera ang maging hangad sa twina
Pagtulong sa kapwa, sa mga nangangailangan ay handa ka
Upang lalo mong makamtan, Pasko ng puso’y anong yaman

Wednesday, 2 November 2011

WANTED: FRIENDS

Wanted: Friends

Qualifications: One of the following:


He/she should loves to cook, bake,
prepares juices and other drinks...


He/she should have time for
running/jogging in morning/evening
and joins fun run/marathon...


         He/she should love taking photographs and
loves to shoot, have time to go out to shoot for any topic...

He/she should love plants, likes  gardening...


He/she should be adventurous, out goer,  loves to travel anywhere (kkb)...

He/she should be a blogger,
knows anything when it comes to blogging...
tulad ni Pablong makatat manunulat (http://pablongmakatatmanunulat.blogspot.com)
at si pinoy sa earth (http://pinoysaearth.blogspot.com)



 
Ay hindi ko po sinasabing wala kayong ginagawa (lol!) hindi naman po dapat lahat alam nyo hehe one of those lang na pwede kong kasama sa shooting, sa pagluluto, sa galaan, etc. etc. matagal ang bakasyon ko ngayon yahooo