Dalawang tulog na lang
ikay aking masisilayan.
Bansa kong minulatan
Perlas ng Silanganan.
Dalawamput walong araw,
sa gitna ng karagatan.
Kay sarap muling balikan
bansang pinagmulan.
Bakit nga ba binabalik
balikan, kay hirap na bayan
Sa bansang pinanggalingan,
trabaho’y kay gaan
Ano nga ba ang meron ka
at laging na mi miss ka
Ang masayang pamilya,
kaibigan at mga kasama
There’s no place like
home ang sabi nga nila
Kahit mahirap basta
sama-sama ang pamilya
Kahit nga magutom pa,
basta’t intact ang bawat isa
Tulong tulong at
pagkakaisa ito ay sumasapat na
Kung bakit nga ba
naghahanap, ng mas malalaking kita
Ito ay dahil sa pangarap
, mapaganda ang buhay pamilya
Sa mga
nagsisipagsapalaran, hindi lahat ay maganda
Ibat-ibang karanasan,
maririnig mo sa kanila
Itong aking kaibigan
matagal na sa ibang bayan
Naiwang pamilya, hindi
marunong humawak ng pera
Astang milyonarya,
walang pakialam kung gumasta
Akala mo nama’y trabaho
ng asawa ay magpulot lang ng pera
Ngunit hindi lahat nga
ng karanasa’y tulad nila
Meron namang pamilya,
magaling pagdating sa pera
Pinagtutuunan ng pansin
ang pangangailangan nila
Ng sa kinabukasa’y , may
natitira pa.
Kaya’t aking hiling sa
mga ahensya, sa PDOS pa lang ay magawa na
Mga patungkol sa
pamumuhunan, kinitang peray may paglagakan
Ng sa kinabukasan ay
kanilang makita na may perang naitabi
Sa mga biglang
pangangailangan ay mayroong makukuha
Edukasyon nga ang
kailangan sa mga nagtatrabahong baguhan
Na hindi lang panghabang
panahon na ikaw ay namamasukan
Kaya’t ang pag-iimpok ay
tunay nating kailangan
Mag invest at magtabi ng
pera upang sa kinabukasan ay may makukuha