My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Friday, 18 May 2012

PROGRESSIVE IEMELIF CHURCH SA ika-pitong anibersaryo



Muli na namang sasariwain
Taong nagdaan sa atin
Mga pagsasamang di malilimot
Mga gawaing para sa Diyos

Nang kami’y magsimula, sa napakaraming bata
Ano nga’t kay saya, lubos ang aming ligaya
Sa bahay ng mga Trilles, kami ay nag-umpisa
Bukas na pamilya, tahanang sa Diyos nakakilala

Ilang taong nagpagal, lugar ay di makaya
Sa dami ng bata pag DVBS, kailangang maghanap-hanap na
Kinausap ang home owners sa village, multi-purpose ay nakuha
Panibagong lugar, na mas malaki at masaya

Sa bawat panahon na nagdaan
Maraming pagsubok ang naranasan
Tulad din ng Israelita
Naniniwala sa lupanga Pangako Nya

Mula sa Multi-Purpose,
narito ang mga anak nya
Pamilya ng Ybanez at Baltasar
Pinagamit ang kanilang lugar

Nagpapatuloy, sumusulong
Maraming manggagawang sumusuong
Ginagawa ang tungkulin
Naglilingkod ngang giliw

Dapat ngang papurihan itong Dakilang Dios natin
Pagpapala at mga biyaya, sa kanya nagmula
Sa ikapitong taong pagpapagal, kagalakan ay lubusan
Eto nga’t nagdiriwang, sa ating bagong tahanan

Sa iyong pangalan, Progressive ngang matuturan
Sa patuloy na paglago, mga taong bumubuo
Nagpapagal, nagmamahal
Naglilingkod sa Kanyang Ngalan

Sa aking kaibuturan
Pagbati’t kagalakan
Kami’y inyong inanyayahan
Sa malaking pagdiriwang

Purihin ang Diyos na Dakila
Sa ikapitong taong pagpapala
Tunay ngang ating ibigay
Isang masigabong palakpakan


HAPPY 7TH YEAR ANNIVERSARY PROGRESSIVE IEMELIF CHURCH

Friday, 11 May 2012


SA AMING MGA MAGULANG – ANG DAKILANG NANAY

created on May 12, 2012 7:45am at my bed reminiscing mothers love

Mula sa sinapupunan, kami’y inalagaan
Siyam na buwang nagtiis, sa loob palang kami’y makukulit
Kahit siya’y nahihirapan, nakita na agad ang pagmamahal
Hanggang sa aming paglabas, kandili mo’y di matatawaran

Sa bawat pag-iyak namin, ikaw ay naririyan
Laging nakatuon, sa bawat sandali ng panahon
Hindi mo ipinagkait, lahat ay ibinigay
Sa aming paglaki’y patuloy mong inalagaan

Hindi ka naging maramot, napakabait at masinop
Pilit mong itataguyod, hirap man ay kasunod
Kung para sa aming kinabukasan, kahit magkanda-utang utang
Basta’t makita mo lamang maging maayos aming pamumuhay

Sino nga bang Ina, ang hindi nagdusa?
Gagawin ang lahat, kung ito’y para sa kanyang anak
Kahit sa ating kamalian, pilit nilang pinagtatakpan
Wag ka lang masaktan, kahit buhay nila’y laan

Hindi nga matatawaran, hindi kayang bayaran
Mga pagpapagal at lakas na iyo ngang ibinibigay
Mga problemang dumarating, kabi-kabilang suliranin
Pilit mong itinatago, ni hindi ka sumusuko

Sa iyong tungkulin sa buhay, bakit gayon na lamang
Hindi kayang sukatin, ni hindi kayang bilhin
Lahat ng katangian na kailangan ng buhay
Pagtitiis, pagtyatyaga, pagmamahal, paghihirap at pagkalinga

Sa bawat yugto ng aming mga buhay
Aming alalahanin, pagpapakasakit mo sa amin
Ako nga’y humihiling sa aking mga giliw
Mahalin natin at kalingain itong dakilang Nanay natin

O Inay, Aming butihing Nanay
Salamat , maraming salamat sa iyong pagmamahal
Ito’y dakilang araw na aming laan
Upang ika’y dakilain at aming papurihin

Kaya’t aking dalangin, Buhay mo ay pagpalain
Pag-iingat ng Diyos, patnubayan ka ng lubos
Maraming taon pa, na ika’y aming makasama
Kalakasan, karunungan, iyo na ngang makamtan

MALIGAYANG ARAW NG MGA DAKILANG MAGULANG – AMING NANAY!



PARA SA MAHAL KONG INAY - Esperanza P. Paraiso


Sa dakilang araw, para sa aking mahal na Inay
Pagpapala ng Dios muli mong makamtan
Sa aming pagdiriwang, Ikaw tanging Inay
Na syang nagdugtong ng buhay, nag-aruga’t nagmahal.

Aking natandaan, nuong ako’y maliit pa lamang
Kasa-kasama ni Inay, sa palengke ng bayan
Maagang gumising, sa paghahanapbuhay ay kailangan
Sa pagluluto at pagtitinda, para sa aming pamilya

Hirap man ng buhay, pilit kaming iginapang
Makatapos ng pag-aaral, dalangin nya sa maykapal
Hindi sya tumitigil, patuloy na nakikipaglaban
Maisalba ang pamilya, maski sakit di alintana

Hirap na aming naranasan, Pangarap ang naging daan
Nagtaguyod ako sa pag-aaral, sa trabaho’y nagsikhay
Gusto kong maranasan ang pangarap ko sa magulang
Magkaroon ng magandang bahay, masaganang buhay maranasan

Kung ano nga ang iyong itinanim, iyon nga ang aanihin
Nagtyaga ka sa mga anak mo, pagpapala ay nakamtan mo
Nagkaroon ka man ng sakit, kamay ng Dios ang nag-alis
Kalakasan muling ibinigay, sa sakit ay nagtagumpay

Nakakalungkot mang isipin, ng si Itay ay kunin
Pangarap ko sa inyong bahay hindi nya nasilayan
Ngunit alam kong masaya sya, sa kanyang nakikita
Nakarating ka sa America, anak at apo mo’y nakasama

Daig mo pa sina ate, si Revy, BJ at Elsa
Nakasakay ka na ng eroplano, nakarating sa kabilang mundo
Marami ka pang mararanasan, kasaganaan sa buhay
Dalangin ko sa maykapal, patuloy na kalakasan

Patuloy akong nagpapasalamat, sa biyayang natanggap
Sa Dios na laging nagpapala’t sa pamilya ko’y nag-iingat
Marami pang taong dumating, sa Inay kong giliw
Sa araw na pagdiriwang, ika’y lagi sa aming isipan