My photo
Leith, Edinburgh, United Kingdom
isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more

Sunday, 12 August 2012

Victoria Projects - Towers, Malate, Manila, Timog Slideshow Slideshow

Victoria Projects - Towers, Malate, Manila, Timog Slideshow Slideshow: TripAdvisor™ TripWow ★ Victoria Projects - Towers, Malate, Manila, Timog Slideshow Slideshow ★ to manila (near Cavite), Quezon City and Malateria. Stunning free travel slideshows on TripAdvisor

Wednesday, 18 July 2012

Pagpapala

Tunay kang Dakila Dios na mapagpala
Ako'y iyong iningatan mula sa aking tahanan
Nakarating sa pinagtatrabahuhan
May kagalakang laan

Nakatanggap ng parangal 
sa buwan ng Mayo'ng pinagpaguran
Pinakamataas na benta
akin na ngang nakuha

At sa aking pag-uwi 
nagdidilim na nga ang langit
Nagbabadyang bagyo 
dapat na nga ba kong tumakbo

Ni hindi mo hinayaan
Na ako'y abutan
Tinulot mong makasakay
Sa bus papuntang inuuwian

At sa aming paglalakbay
Kulog at kidlat ay nagsasabayan
Sobrang lakas ng ulan
Bumabaha ang mga daanan

Salamat talaga Lord sa iyong pag iingat
Nakarating ng malwalhati sa aming tahanan
At sa pagbaba sa sasakyan wala na nga ang ulan
Kaybuti mo o Panginoon karapat-dapat kang purihan.

Saturday, 16 June 2012

AMA NG TAHANAN


Ama ng Tahanan – haligi ng sambahayan
Ika’y aming pararangalan sa iyong pagpapagal
Lakas ay ginagamit, upang iyong makamit
Pangangailangan ng Pamilya, sa kahirapan ay maisalba

Lagi mong nasa isip kinabukasan ng pamilya
Gagawin ang lahat, sa trabaho’y magsisikap
Di mo nga alintana, hirap na dinaranas
Para sa ming kinabukasan, lahat ay babatahin

Ika’y may angking talino, bigay ng Dios sa ‘yo
Sa mga pagdedesisyon, pananagutan at konsultasyon
Nakalaan ang iyong oras sa iyong mga anak
Nakikipaglaro, nagkukwentuhan, masayang pagsasamahan

Kung dumating man ang problema, sa loob ng pamilya
Nagiging matatag ka, takot ay di pinapakita
Mahinahong mong iisipin, ang tama at dapat na gawin
Bilang sandigan ng tahanan, ama naming pinakamamahal

Isa ka ngang huwaran na dapat naming sundan
Sa iba ngang anak, “Idol” ang tawag
Salamat sa pagmamahal, salamat sa pagbibigay
Ng aming pangangailangan, sa bawat panahon at araw

Pagpalain ka ngang tunay nitong ating Maykapal
Patnubayan ka nawa, sa lahat ng iyong ginagawa
Marami pang buhay at kalakasan, na iyong maranasan
Sa pagsasama natin tungo sa tagumpay!

Maligayang Araw ng mga Ama ng Tahanan.

Friday, 18 May 2012

PROGRESSIVE IEMELIF CHURCH SA ika-pitong anibersaryo



Muli na namang sasariwain
Taong nagdaan sa atin
Mga pagsasamang di malilimot
Mga gawaing para sa Diyos

Nang kami’y magsimula, sa napakaraming bata
Ano nga’t kay saya, lubos ang aming ligaya
Sa bahay ng mga Trilles, kami ay nag-umpisa
Bukas na pamilya, tahanang sa Diyos nakakilala

Ilang taong nagpagal, lugar ay di makaya
Sa dami ng bata pag DVBS, kailangang maghanap-hanap na
Kinausap ang home owners sa village, multi-purpose ay nakuha
Panibagong lugar, na mas malaki at masaya

Sa bawat panahon na nagdaan
Maraming pagsubok ang naranasan
Tulad din ng Israelita
Naniniwala sa lupanga Pangako Nya

Mula sa Multi-Purpose,
narito ang mga anak nya
Pamilya ng Ybanez at Baltasar
Pinagamit ang kanilang lugar

Nagpapatuloy, sumusulong
Maraming manggagawang sumusuong
Ginagawa ang tungkulin
Naglilingkod ngang giliw

Dapat ngang papurihan itong Dakilang Dios natin
Pagpapala at mga biyaya, sa kanya nagmula
Sa ikapitong taong pagpapagal, kagalakan ay lubusan
Eto nga’t nagdiriwang, sa ating bagong tahanan

Sa iyong pangalan, Progressive ngang matuturan
Sa patuloy na paglago, mga taong bumubuo
Nagpapagal, nagmamahal
Naglilingkod sa Kanyang Ngalan

Sa aking kaibuturan
Pagbati’t kagalakan
Kami’y inyong inanyayahan
Sa malaking pagdiriwang

Purihin ang Diyos na Dakila
Sa ikapitong taong pagpapala
Tunay ngang ating ibigay
Isang masigabong palakpakan


HAPPY 7TH YEAR ANNIVERSARY PROGRESSIVE IEMELIF CHURCH

Friday, 11 May 2012


SA AMING MGA MAGULANG – ANG DAKILANG NANAY

created on May 12, 2012 7:45am at my bed reminiscing mothers love

Mula sa sinapupunan, kami’y inalagaan
Siyam na buwang nagtiis, sa loob palang kami’y makukulit
Kahit siya’y nahihirapan, nakita na agad ang pagmamahal
Hanggang sa aming paglabas, kandili mo’y di matatawaran

Sa bawat pag-iyak namin, ikaw ay naririyan
Laging nakatuon, sa bawat sandali ng panahon
Hindi mo ipinagkait, lahat ay ibinigay
Sa aming paglaki’y patuloy mong inalagaan

Hindi ka naging maramot, napakabait at masinop
Pilit mong itataguyod, hirap man ay kasunod
Kung para sa aming kinabukasan, kahit magkanda-utang utang
Basta’t makita mo lamang maging maayos aming pamumuhay

Sino nga bang Ina, ang hindi nagdusa?
Gagawin ang lahat, kung ito’y para sa kanyang anak
Kahit sa ating kamalian, pilit nilang pinagtatakpan
Wag ka lang masaktan, kahit buhay nila’y laan

Hindi nga matatawaran, hindi kayang bayaran
Mga pagpapagal at lakas na iyo ngang ibinibigay
Mga problemang dumarating, kabi-kabilang suliranin
Pilit mong itinatago, ni hindi ka sumusuko

Sa iyong tungkulin sa buhay, bakit gayon na lamang
Hindi kayang sukatin, ni hindi kayang bilhin
Lahat ng katangian na kailangan ng buhay
Pagtitiis, pagtyatyaga, pagmamahal, paghihirap at pagkalinga

Sa bawat yugto ng aming mga buhay
Aming alalahanin, pagpapakasakit mo sa amin
Ako nga’y humihiling sa aking mga giliw
Mahalin natin at kalingain itong dakilang Nanay natin

O Inay, Aming butihing Nanay
Salamat , maraming salamat sa iyong pagmamahal
Ito’y dakilang araw na aming laan
Upang ika’y dakilain at aming papurihin

Kaya’t aking dalangin, Buhay mo ay pagpalain
Pag-iingat ng Diyos, patnubayan ka ng lubos
Maraming taon pa, na ika’y aming makasama
Kalakasan, karunungan, iyo na ngang makamtan

MALIGAYANG ARAW NG MGA DAKILANG MAGULANG – AMING NANAY!



PARA SA MAHAL KONG INAY - Esperanza P. Paraiso


Sa dakilang araw, para sa aking mahal na Inay
Pagpapala ng Dios muli mong makamtan
Sa aming pagdiriwang, Ikaw tanging Inay
Na syang nagdugtong ng buhay, nag-aruga’t nagmahal.

Aking natandaan, nuong ako’y maliit pa lamang
Kasa-kasama ni Inay, sa palengke ng bayan
Maagang gumising, sa paghahanapbuhay ay kailangan
Sa pagluluto at pagtitinda, para sa aming pamilya

Hirap man ng buhay, pilit kaming iginapang
Makatapos ng pag-aaral, dalangin nya sa maykapal
Hindi sya tumitigil, patuloy na nakikipaglaban
Maisalba ang pamilya, maski sakit di alintana

Hirap na aming naranasan, Pangarap ang naging daan
Nagtaguyod ako sa pag-aaral, sa trabaho’y nagsikhay
Gusto kong maranasan ang pangarap ko sa magulang
Magkaroon ng magandang bahay, masaganang buhay maranasan

Kung ano nga ang iyong itinanim, iyon nga ang aanihin
Nagtyaga ka sa mga anak mo, pagpapala ay nakamtan mo
Nagkaroon ka man ng sakit, kamay ng Dios ang nag-alis
Kalakasan muling ibinigay, sa sakit ay nagtagumpay

Nakakalungkot mang isipin, ng si Itay ay kunin
Pangarap ko sa inyong bahay hindi nya nasilayan
Ngunit alam kong masaya sya, sa kanyang nakikita
Nakarating ka sa America, anak at apo mo’y nakasama

Daig mo pa sina ate, si Revy, BJ at Elsa
Nakasakay ka na ng eroplano, nakarating sa kabilang mundo
Marami ka pang mararanasan, kasaganaan sa buhay
Dalangin ko sa maykapal, patuloy na kalakasan

Patuloy akong nagpapasalamat, sa biyayang natanggap
Sa Dios na laging nagpapala’t sa pamilya ko’y nag-iingat
Marami pang taong dumating, sa Inay kong giliw
Sa araw na pagdiriwang, ika’y lagi sa aming isipan


Wednesday, 21 March 2012

ALA-ALA NG KABATAAN sa Damuhan

Noong ako ay bata pa, aking naaalala
Sa damuhan sa bukid, naglalaro sa twina
Maraming pangyayaring, sa isip naglipana
Walang problemang nadarama, sa kinagisnang probinsya

Pagkatapos ng anihan, sa pilapil nagtatakbuhan
Nagpapalipad ng saranggola, nagpapataasang sama-sama
Mga dayaming pinagkiskisan, aming ginagawang unan
Mga hinuha't, kaisipa'y, bawa't isa'y may laan

Sa gabi ng kasikatan, nitong malaking buwan
Naglalaro ng taguan, sa huni ng kulisap ay nagkakatakutan
Darating si Ingkong Lelong, at kami'y mag uumpukan
Magkwe kwento ng ano-ano, at tatakutin sa maligno

Sa aming pag-aaral, sa elementarya ng bayan
Natutong sumulat, nalaman ang panitikan
Masayang nag-aaral, maraming nalalaman
Sa silid-aklatan, na punong punong ng karunungan

Salamat sa pamahalaan, sa kanilang kagawaran
Edukasyong kailangan, ng bawat mag-aaral
Mga gurong nagtitiyaga, nagtitiis na kusa
Larawan ng kabayanihan, sa kanilang pagsisikhay

Sa damuhan, sa damuhan, ala-ala ng kabataan
Nagpipiknik, nagkakainan, handa ay mga gulay
Galunggong na isda, pinirito't may suka
Sarap ng aming kainan, sa dahong saging sa damuhan

Bagsik ng Panitik - A Munting Pakulo Literary Contest ~ Damuhan

Wednesday, 8 February 2012

Pasasalamat sa biyayang natanggap

Tunay na dakila at kahanga-hanga
Yaring pagkuha ng kailangang visa
'Di mo sukat akalain, na ika'y pagpalain
Nitong Diyos na laging sumasa-atin

Lubos na pananalig, sapat na pagtitiwala
Walang agam-agam, pangako Nya'y laan
Pagtawag sa Kanya, sa pananalangin ay dala
Kasagutan nya sa mga anak nya, tyak ay sobra-sobra

Lagi kong dinadalangin, na ako'y pagpalain
Sa lahat ng aking lakad, patnubay nyang ganap
Pagsubaybay sa lahat ng aking mga mithiin
Pangako nya sa akin, ako ay pagpapalain

Panay-panay ang dalangin, sa US Embassy na tatahakin
Mula sa embahada, mga consul na kakausapin
Maging alerto sa lahat, ng mga alituntunin
Upang maging maayos, sa prosesong gagawin

Sa mga katanungan, na konsul na kaharap
Pagsasagot nga katotohanan, walang pag-aalinlangan
Salamat sa katalinuhan, English ay nagsasalimbawan
Maraming katanungan, sagot ay laging laan

At sa katapos-tapusan, ako ay nabigla
Dahil nga sa visang aking inaaplayan
Mula sa C1D, ang sabi nya'y aking kailangan
B1 Visa ang dapat, at ito'y iyong matatanggap

At sa aking pagtalikod, panay panay ang pasasalamat
Higit sa aking inaasahan, sobra ang nakamtan
Tumawag kanina ang pinaglilingkurang ahensya
Pasasalamat na pinagkaloob, limang taon ang bisa