Nakaligtaan ko na ang pagtula
Kaya heto na naman si Pablong Makata
Nagpipilit mag-isip kung anong ilalathala
Upang ang mambabasa’y muling matuwa
Siguro’y ikukuwento ang panahon ko sa trabaho
Apat na buwang nagtrabaho, bakasyo’y dalawang lingo
Ngunit laking pasasalamat, sa mababait kong amo
Muli kong nasilayan ang mahal kong bayan
Ang totoong kontrata’y dalawang buwan lamang
Dagdag na dalawang buwan, kahilinga’y napagbigyan
Nabagot na rin ako, nainip sa barko
Ginawa kong dahilan, bakasyon ng nanay
Mahaba-habang kwentuhan aking isasalaysay
Mula sa paglisan sa barkong sinasakyan
Dumating ang karelyebo para sa dalawang lingo
Kulang ang panahon, sa pagbibigay ng instruksyon
Kung ako rin ang nasa kalagayan, at ako’y bago lamang
Di man maintindihan at talagang mangangapa lamang
Hindi naman masyadong, kumplikado ang trabaho
Kaalaman sa computer at madali kang matututo
Nagmamadaling lumisan, hindi na nga nakapagpaalam
Ang taxi’y naghihintay, papunta sa hotel natutuluyan
Napakagandang pagmasdan, nitong lsla ng Shetland
Puro kabundukan, walang punong masisilungan
Kaya’t malaking katanungan sa isip kong naglabasan
Wala ni isang puno, ni isa’y walang matanaw
Sa pagtatanong ay nalamang, kaya pala ganon na lamang
Laging malakas ang hangin, sobrang lamig sa kapaligiran
Kaya’t aking natatanaw, mga puti sa kabundukan
Maraming naglipanang, mga tupang inaalagaan
Nakarating sa tutuluyang hotel na paglalagakan
Kay linis at kay ganda, isang gabi rin at aalis na
At sa kinabukasan sa airport na pupuntahan
Isang oras ding naglakbay, sa dami ng kabundukan
Ako ay napatawa ng airport ay malapit na
Nag cross ang sasakyan sa daanan ng paliparan
Kami lang ng kasama ko, ano’t walang katao-tao
Maya maya pa’y nagdatingan mga pasaherong magsasakayan
Kami ay sinabihan baka dalahin ay maiwan
Dalawang kahon namin sa Maynila na kukuhanin
Kasi naman ang sasakyan, chartered airplane lamang
Maliit na eroplano konti lang ang pasahero
Di kayang dalhin sobrang bigat ng dalahin
Hindi na namin nakita, bagahe naming sa Edinburgh*
Mula sa pandaigdigang, paliparan ng Scotland
Muli kaming maglalakbay, papunta sa Amsterdam
At ng ang eroplano’y mag touch down, sa lugar ng Netherlands
Sobrang laki ng airport, sala-salabat ang mga roads
Halos tatlumpong minuto, bago nakarating sa airport mismo
Koneksyon ng susunod na eroplano, mukhang kami’y mapepeligro
Kaya’t ako’y nag-alinlangan sa katabi’y nagtanong na lang
Wala palang palugit na oras, pagkababa’y magtatakbuhan
Sa aming pagtakbo, na halos dalawang kilometro
Sobrang laki ng paliparan, grabeng pagod ang naranasan
Ang ng makarating sa pintuan, ng gate na sasakyan
Sobrang daming pinoy, nakahanda ng lumulan
Kung hindi kami tumakbo, at parang holdaper sa kanto
Malamang maiiwan, ng eroplanong sasakyan
Sa madaling salita, nakarating ng Maynila
Muli kong nasilayan ang aking magandang Bayan
At sa aming paghihintay ng bagaheng naiwan
Kami na lang ang natira ngunit ang bagahe’y wala pa
Nagpunta sa complaint center, ng eroplanong KLM
Maya-maya pa’y lumabas na lungkot ang dala-dala
Kasi naman andon, ang lahat ng mga pasalubong
Mga damit, tsokolate, mga bag at kung ano-ano
At sa aking pananghalian, na miss kong mga ulam
Mangga at bagoong, at Pritong tilapia na sinawsaw sa suka
Panahon ng tag-ulan, mga araw na nagdaan
Dalawang bagyong dumating aking nasaksihan
Sa aking pagpunta ng isang araw sa opisina
Inabutan ng pagbaha kailangang lumusong walang magagawa
Inayos mga papeles nag renew ng mga gamit
Kumuha ng UK visa, para sa panibagong kontrata
Kulang na kulang nga, aking panahon sa Maynila
Sa pamilya’t mga kaibigan, mga ka tropa’t kakilala
Kailangan ng bumalik, tapos na ang dalawalang linggong palugit
Ang karelyebo kong ka opisina ay sa kabilang barko pupunta
Muli ngang naglakbay ng halos dalawang araw
At muli kong nasilayan ang barko kong minamahal