Noong ako ay bata pa, aking naaalala
Sa damuhan sa bukid, naglalaro sa twina
Maraming pangyayaring, sa isip naglipana
Walang problemang nadarama, sa kinagisnang probinsya
Pagkatapos ng anihan, sa pilapil nagtatakbuhan
Nagpapalipad ng saranggola, nagpapataasang sama-sama
Mga dayaming pinagkiskisan, aming ginagawang unan
Mga hinuha't, kaisipa'y, bawa't isa'y may laan
Sa gabi ng kasikatan, nitong malaking buwan
Naglalaro ng taguan, sa huni ng kulisap ay nagkakatakutan
Darating si Ingkong Lelong, at kami'y mag uumpukan
Magkwe kwento ng ano-ano, at tatakutin sa maligno
Sa aming pag-aaral, sa elementarya ng bayan
Natutong sumulat, nalaman ang panitikan
Masayang nag-aaral, maraming nalalaman
Sa silid-aklatan, na punong punong ng karunungan
Salamat sa pamahalaan, sa kanilang kagawaran
Edukasyong kailangan, ng bawat mag-aaral
Mga gurong nagtitiyaga, nagtitiis na kusa
Larawan ng kabayanihan, sa kanilang pagsisikhay
Sa damuhan, sa damuhan, ala-ala ng kabataan
Nagpipiknik, nagkakainan, handa ay mga gulay
Galunggong na isda, pinirito't may suka
Sarap ng aming kainan, sa dahong saging sa damuhan
Bagsik ng Panitik - A Munting Pakulo Literary Contest ~ Damuhan
- Pablo Paraiso
- Leith, Edinburgh, United Kingdom
- isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more