Sa buhay ng tao darating at darating ang araw na muli tayong haharap sa ating Manlilikha, kung ito may bunga ng sakit, ng aksidente, ng biglaang pagkamatay or any circumstances na syang daan upang tayo'y humarap sa Dios... nakakalungkot man isipin but at some point, si Steph ay, tulad ng dati ay iniisip ang mga kasamahan, mga kaibigan, mga taong naging bahagi ng ating buhay don sa Qatar specifically sa project natin sa QGX2 and thru CTJV ay nagkakilala tayo, nagkasama, may halakhakan, may lungkot, may alitan but sa pagdaan ng panahon natuto tayong makisama ng tama, nakilala natin ang bawat isa bilang mga kaibigan...
Naging kabahagi, kasama, ka trabaho natin si kuya Ed Fabian during those times sa Qatargas, thru the silentheroes2006@yahoogroups.com ay nagkaroon tayo ng pagbabalitaan after ng ating mga terms don sa Middle East. Ang iba sa atin ay isang taon, dalawa, tatlo o higit pa depende sa pangangailangan ng kompanya. Minsan na rin nating nabasa nga ang tungkol kay Mang Ed nong sya ay nagsimulang makaranas ng ganong sakit at natulungan sa pamamagitan ng pitak na ito ang muling pagdadamayan... at tulad din ng nasirang Dr. Balhon ay nalaman natin ang mga pangyayari... Hindi pa rin matatawaran ang pagkakaibigan, ang pagkakakilala at tulad ng mga darating na panahon ay isa isa tayong kukunin ng Maykapal at sana ay hindi lang malaman ang lungkot ng buhay ngunit yong kasayahan na mulilng mabuhay sa pagbabalitaan at maganda nga kung ang mga planong naibahagi sa inyo ay masaya nating pagtulungan at pagsamahan... bukas, makalawa at susunod pang mga araw ay siguro nga madadalaw ko na rin sina Steph at Norman don sa kanilang lugar sa Pasig... may mga planong muling magkikita at makilala ang bawat miyembro ng kani-kanilang pamilya at magkakilanlan din tulad ng nangyari sa atin sa Gitnang Silangan...
Masarap alalahanin ang mga masasayang bagay ngunit minsan kailangan mangyari ang ganitong bagay upang may ipaalala sa atin ang Diyos... na hindi lang kayo magsama-sama sa mapait na karanasan at magkita kita sa isang burol… but hanggat tayo'y buhay pa at may lakas ay makita ung patuloy na pagkakaibigan even without work and money... hindi lang naman pera o work ang makapagpapasaya sa isang taong may sensiridad at palakaibigan but yung legacy na iniwan mo sa iyong naging kaibigan... nakilala ka, bilang isang ikaw... bilang kaibigan... bilang karamay... bilang isang OFW na naging kabahagi don sa Kabilang Dagat para magtrabaho...
Mabuhay kayo!
- Pablo Paraiso
- Leith, Edinburgh, United Kingdom
- isang bagong manunulat na nahikayat ni Kabayang Kiko (http://www.kwentonikiko.com/) doon sa Qatar at nagpasimula at nagpapatuloy sa pagkatha at lalong nagkaroon ng inspirasyon sa pagsulat doon sa malayo at magandang lugar ng Scotland... - isang OFW na nangangarap din - isang Administrador - mahilig mag volunteer - mahilig sa sports (Cycling, badminton, volleyball, running, bowling, etc) - loves to cook - likes gardening - and wants to learn more